CHAPTER THE SEVENTH

Jeepney

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 11, 2014 at 4:16 hapon

20140311-161346.jpg
Day 70: ” JEEPNEY “.

There was a time back in 2010, when while I was aboard a jeepney, bigla kong nakalimutan kung saan ako papunta! Actually, hawak ko na yung pamasahe ko at ibabayad ko na lang ng biglang hindi ko masabi sa driver kung saan ako bababa. Talagang naka tulala ako, blanko ang isip, takang taka kung saan nga ba ang aking destinasyon. I remember looking at the other passengers, tinitignan ko kung meron ba akong makikilala. Nagbabaka sakali kasi ako na may mamukhaan at biglang magkaroon ako ng clue kung saan ako pupunta. Pero wala! Wala talaga! Lahat ng pasahero are total strangers. Then, pilit kong tinanaw yung signboard sa windsheild. Alam kong may mga letra akong nakita. Pero parang hindi ko mabuo yung mga words! Naguguluhan ako. Para akong nananaginip! Then suddenly, huminto yung jeep sa tapat ng Provident Villages. Narinig ko yung driver na nagsalita. Sinisigaw niya yung pangalan ng lugar. Itinatanong niya yung ibang mga pasahero kung may bababa pa ba. Duon ko lang biglang naalala na pauwi na pala ako ng bahay. Umuupa ako nuon ng maliit na kuwarto sa Lamuan Marikina. Galing akong trabaho sa ICT sa may Riverbanks Mall. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari sa akin nuong mga panahong iyon. Sa sobrang pagod ko yata kaya biglang nag blanko ang isip ko. Or baka dahil marami rin akong iniintinding problema. Oh well, naikuwento ko lang ang experience kong iyon kasi kung dati, biglang hindi ko maalala ang aking destinasyon, ngayon naman sure na sure na ako sa aking patutunguhan! Babalikan ko na ang minsan kong iniwan!

Page 128

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s