CHAPTER THE SEVENTH

Laruang Motorsiklo

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 12, 2014 at 4:40 hapon

20140312-163759.jpg
Day 71: ” LARUANG MOTORSIKLO “.

Dahil tapos na ang Daylight Saving Time, 4:00 AM na ang pasok ko. Alas dos pa lang ng umaga ginising na ako ng alarm clock ng aking cellphone. I only need half an hour to take a bath and dress up. Nasa labas na ako ng bahay by 2:30! Laking tuwa ko nang ilang minuto pa lang ang lumilipas na nakatayo ako sa abangan ng sasakyan, may dumaan na agad na jeep. Pinara ko at sumakay ako. Pero biglang huminto yung jeep at nag abang ng pasahero. Makalipas ang halos limang minuto, nainip na ako at bumaba. Tumawid ako at nag abang ng FX. Lumipas ang halos 10 minutes pero walang dumaang FX. Tumawid ako ulit at nag abang ulit ng jeep. Meron namang dumaan agad. At hindi naman nag hintay pa ng mga pasahero, pero kung umandar naman, tila pumaparada sa bagal. Pinilit kong hindi magalit. Ang karaniwang sampung minutong biyahe mula Project 4 hanggang Cubao ay inabot ng mahigit 20 minutes! Pagdating ko naman sa sakayan ng papuntang Eastwood, may naabutan naman akong jeep na halos puno na. Natuwa naman ako! Hindi na ako maghihintay ng matagal. Naka upo din naman ako agad. Pangalawa sa may estribo. Ilang minuto lang halos puno na yung jeep. Dalawang pasahero na lang ang kulang. May sumakay na isang lalaki. Sa kagustuhan kong umandar na agad ang jeep, nagkusa akong umurong para maka upo yung bagong sakay. Medyo siksikan na. Yung ibang pasahero, ni hindi man lang umusog. Ang ending, ako pa yung siniksik nung pasaherong pinagmalasakitan ko. Halos sakupin niya yung space ko. Walang habas. Seating pretty! Ang galing ni Kuya! Makabili na nga lang ng laruang motorsiklo! Ito ang gagamitin ko sa pagpasok tuwing umaga!

Page 129

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s