CHAPTER THE SEVENTH

Check in

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 13, 2014 at 3:48 hapon

20140313-154615.jpg
Day 72: ” CHECK IN “.

Hindi pa ako nakakapasok sa motel! Hindi ko nga alam ang hitsura nang lugar na iyan sa loob eh! Wala pa akong experience sa pag che-check in sa mga ganyang lugar! Gusto ko sana ma i-try miski minsan lang. Pero nahihiya ako! Baka kasi may makakita sa akin at baka kung ano pa ang isipin nila. Actually, maraming mga motel at apartelle sa Cubao. Pero miski isa wala pa ako napupuntahan. Hindi pa ako nakakapag check in sa Westside and Evergreen Apartelle sa P. Tuazon Cubao. Hindi ko nga alam na 350 pesos lang ang rate nila para sa 3 hours eh. Hindi parin ako nakakapasok sa Eurotel sa may Araneta Center. Ni hindi ko nga alam na may painting ng European Countryside ang bawat Deluxe Room nila. Hindi ko talaga alam ang mga ganyan! Hindi pa rin ako nakakapunta man lang sa bandang Anapolis sa may Gateway. Hindi ko nga alam na may dalawang motel duon na halos magkatapat. Hindi ako sure pero, sabi nila, naanduon daw yung Clix Hotel and Crest Hotel! Hindi ko nga alam na pareho lang ang hitsura ng mga rooms nila eh! Hindi ko rin alam na isa lang may ari nung dalawang motel na yun! Hindi parin ako nakakapasok sa Sogo Hotel na malapit lang sa Mercury Drugs sa Aurora Blvd Cubao. Hindi ko nga alam na 20% off sila sa mga rates ng rooms kapag weekdays eh! Hindi ko talaga alam yan! Hindi parin ako nakakapasok sa Selena Hotel na katabi lang ng Sogo Hotel na katapat naman ng Mini Stop at nasa right side naman ang lumang Alta Cinema! Hindi ko nga alam na ang password ng WiFi nila ay: hotelselenacubao869 eh! Hindi ko rin alam na pinalitan na nila ang mga paintings ng rooms nila! Wala na yung mga nakapintang diwata! Plain colors na lang sila! Naku, talagang wala akong kaalam alam! Ang kuwento sa akin, may bago raw motel sa may Anonas sa Cubao. Astrotel daw ang name nung place. Malapit lang daw yun sa 7 11 at Worldciti Medical Center. Actually nakita ko na yun! Medyo tago lang siya. Hindi pansinin mula sa kalsada. Ano kaya hitsura nuon sa loob? Magkano kaya ang rate nila? Ilang hours kaya pinaka matagal nila? Gusto ko sana ma-try!

Page 130

  1. magkano 12 hours ng crest hotel in cubao near ng gateway….

    thank u

  2. magkano 12 hours crest hotel

  3. may 12 hours ba sa crest hotel? magkano?

  4. Ayos. Andito ako nagbabasa

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s