CHAPTER THE SEVENTH

SIM Card

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 15, 2014 at 3:44 hapon

20140315-154218.jpg
Day 74: ” SIM CARD “.

Bumili ako ng bagong SIM Card! Ayoko man gawin, pero kailangan ko na talaga kasing magbago ng cellphone number! Kailangan kong i-deactivate ang aking primary contact number – agad agad! The same number that I have kept for more than 5 years! The same contact number na alam halos ng lahat ng mga kaibigan, past and present officemates, former students, and family members ko! Kailangan kong gawin ito para makaiwas ako sa isang taong tila ginawa nang hobby ang pang ha-harass sa akin since November of last year. I tried to block this person on my phone. I have added this person’s primary number on my screen list! Actually lahat ng text messages niya diretso na agad sa screened messages. And lahat naman ng calls niya, naka block na rin! Pero, maparaan siya! Palagi siyang gumagamit ng ibang number! Ang dami dami niyang number! Kada text at tawag niya, ibang number ang lumalabas! Nakaka stress! Nagkamali ako nang nag desisyon akong tulungan siya! While everybody else have turned their back on this person, I was there – helping! Tinulungan ko siyang nakapasok sa trabaho. Ginawa niya akong referrer. Nag submit siya ng referral form. Pangalan ko ang inilagay niya. Napagkasunduan namin na kapag ibinigay na ang referral bonus, maghahati kami. Nuong tinawagan ako para i-background check siya, todo build up naman ako. Ang alam ko, kailangan makapasa muna siya sa mga training bago maibigay yung referral bonus. Pero hindi pa man siya nakaka pasa sa training niya, panay panay na ang text at tawag niya. Pinipilit niya akong ibigay na daw sa kanya ang share niya. Ilang ulit ko rin sinabi sa kanya na wala pang lumalabas na referral bonus sa payslip ko. Kung meron naman kasi, bakit naman hindi ko pa ibigay ang share niya? Hanggang sa mag sick leave na ako ng January. Walang araw ang lumipas na hindi siya nag te-text at tumatawag. Kung ano anong pagbabanta ang sinasabi niya! Ilang ulit ko din sinabi na ako ay naka sick leave at ni hindi nga ako sumusuweldo! Pero hindi siya natinag. Pagbalik ko sa office nang February, agad kong tinignan ang aking mga payslip. Baka nga ako ang mali. Pero wala talaga! I challenged that person na ipapakita ko sa kanya ang aking payslip or better yet, dumiretso na lang siya ng HR para magtanong. Duon nalinawan na wala talagang pumasok na referral bonus sa akin. Saglit siyang nanahimik. Finally, before mag March 15, nag text ulit siya. Gamit nanaman ang ibang number. Kesyo nag email daw sa kanya ang HR. Nag confirm daw sa kanya na may pumasok na daw na referral bonus sa pay ko. Pero, nang tignan ko ang payslip ko, wala talaga! Wala rin naman halos nadagdag sa sinuweldo ko maliban duon sa retro pay ko sa aking annual merit increase! Tinatanong ko siya kung magkano ba yung sinasabi niyang referral bonus. Wala naman siya masabi. Gusto ko kasi magsabi na lang siya nang amount para ibigay ko na lang sa kanya ang gusto niya at matigil na siya! Willing ako magbigay ng pera. Tantanan lang niya ako! Hindi kasi ako sanay na ginigipit sa ganitong sitwasyon! Hindi ko kaya ang ginagawa niya sa akin! Pero, naisip ko rin na bakit ko ba siya bibigyan ng pera eh wala naman akong utang sa kanya? Bahala na nga siya! Malinis ang aking konsensiya! Ako na lang ang iiwas. Naka block na siya sa FB ko! Nagpalit na rin ako ng number! Sa mga nakakabasa nito ngayon, kung naka save parin ang dati kong Globe number sa inyo, paki delete na lang yun! PM me na lang if you need my new Globe number. Oo nga pala, active pa naman yung Sun and Smart ko eh. Kaya sa mga Sun and Smart textmates ko, tuloy ang saya! Let’s all stay positive! Big NO sa badvibes! Sunshine and Rainbow para sa lahat!

Page 132

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s