CHAPTER THE SEVENTH

Mannequin

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 16, 2014 at 9:22 hapon

20140316-211857.jpg
Day 75: ” MANNEQUIN “.

Gusto ko maging isang mannequin! Isang mannequin na nakatayo lang buong araw sa show window ng isang kilalang boutique sa loob ng mataong shopping mall! Gusto ko araw araw akong binibihisan ng mga magagarang damit! Kung ano ang nasa uso at pinaka mamahalin, yung ang gusto kong isuot sa akin! Gusto ko ring parati akong tinitignan na may paghanga ng mga taong dumaraan. Gusto ko maging isang mannequin! Hindi ako daraing. Hindi ako magrereklamo! Tatanggapin ko nang buong puso na kailangan kong tumayo at hindi gumalaw buong araw, at umasta nang tila hindi napapagod habang ginagampanan ang aking tungkulin! Gusto ko maging isang mannequin! Gusto kong masaksihan ang mga kaganapan sa buhay ng mga ordinaryong taong dumaraan sa tapat ng show window kung saan ako ay nakatayo! Gusto ko makakita ng mga iba’t ibang uri ng mga tao! Mga empleyadong nag mamadali papunta sa kanilang trabaho, mga senior citizens na dahan dahang naglalakad, mga estudyanteng naka suot ng school uniform, mga magkasintahan na hawak kamay, mga magkakaibigang nagbibiruan, mga grupo ng kabataang nagbubuskahan, mga negosyante, mga lingkod bayan, mga namamasukan, mga mison, mga mekaniko, mga taga pasada ng iba’t ibang uri ng sasakyan, mga tubero, mga modista, mga naglalakad at pila pilang blind masseurs, mga babae at lalaking todo pumustura, mga babae at lalaking simple manamit, mga babae at lalaking kinakalakal ang kanilang sarili, mga naghahanap ng trabaho, mga nawalan ng trabaho, mga bagong graduate na unang araw sa trabaho, mga call center agents na puyat at kagagaling lang sa graveyard shift, mga nurse, mga pulis, mga teachers, mga pari, mga madre, mga abogado, mga sekretarya, mga pharmacist, mga atleta, mga crew sa fastfood chain, mga bantay sa computer shop, mga tambay sa computer shop, mga dayuhan na galing ibang bansa, mga balikbayan, mga ofw na pinapasyal ang kanilang buong pamilya, mga taga probinsiya, mga taga siyudad, mga pilosopo, mga intelektuwal, mga walang muwang sa buhay, mga manloloko, mga niloloko, mga nagpapaloko, mga alagad ng sining, mga manunulat, mga nangangarap, mga sawi, at mga umaasa! Gusto ko maging isang mannequin!

Page 133

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s