CHAPTER THE SEVENTH

Mangosteen

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 17, 2014 at 9:54 umaga

20140317-095257.jpg
Day 76: ” MANGOSTEEN “.

Check up day ulit ako today! Maaga pa lang pumunta na ako sa Friendly Care. May bagong Nurse sa Nurse’s Station. Siya ang nag asikaso sa akin. Medyo naghintay pa ako saglit para masimulan ang laboratory exam ko. Pero okay parin naman. Maaga parin ako natapos. Babalik ako sa Friendly Care Clinic later for the results. Then sa Wednesday ulit for consultation with Dr Embry. Saglit akong nagpahinga when I got back home. Then naglakadlakad ako para makahanap ng something colorful for today’s photo. Balak ko sana kumuha ng larawan ng mga bulaklak. Wala pa kasi akong litrato ng makulay na bulaklak eh. Anyway, dinala ako ng aking mga paa sa gawing Simbahan ng Our Lady of Miraculous Medal. On my way there, may naka salubong akong Manong na may panindang mga prutas. Nagaalok siya sa isang Lola sa isang malaking bahay. Sabi ni Lola, sa susunod na lang daw siya kukuha kasi marami pa silang prutas. Nang tignan ko ang mga prutas na tinda ni Manong, nakita ko na meron siyang Marang, Papaya, at Mangosteen. Nilampasan ko siya. Dumiretso ako ng lakad. May bumati sa akin na isang babae nuong nasa tapat na ako ng Simbahan. Tinanong ako kung nagtuturo pa daw ba ako. Naaalala daw niya ako duon sa paaralang dati kong pinaglingkuran. Ngumiti naman ako at sinabi kong hindi na. Medyo nahihiya ako kapag mga may mga ganung random encounter. Dumiretso ako sa loob ng simbahan. Napansin ko na kulay purple na yung nakabalabal sa lamesa sa may altar. Malapit na pala talaga ang Holy Week. Mga 5 minutes din akong naglagi sa loob ng simbahan. Paglabas ko, nagtatalo ang isip ko kung pupunta ba ako ng plaza para maghanap ng bulaklak na kukunan ng larawan or umuwi na lang. Ang ending? Naglakad ako pabalik sa bahay. Before ako lumiko papunta sa street namin, nakita ko ulit si Manong na nagtitinda ng prutas. Nagpapahinga siya sa lilim ng isang puno. Nagbabasa siya ng peryodiko. Lumapit ako. Nagpaalam ako na kukunan ko ng picture yung mga paninda niya. Pumayag naman siya. Natakam ako sa Mangosteen. Gusto ko sana bumili, pero hindi ko dala ang wallet ko. Mamaya, after ko makuha ang result ng laboratory test ko. Maghahanap ako ng Mangosteen. Bibili talaga ako! Marami daw health benefits ang Mangosteen! Mainam daw yan sa mga may Hypertension! May anti oxidant din daw ang prutas na iyan. Kailangan ko ng healthy foods! Gusto ko ng Mangosteen!

Page 134

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s