CHAPTER THE SEVENTH

Isang Panalangin

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 18, 2014 at 10:07 umaga

20140318-100518.jpg
Day 77: ” ISANG PANALANGIN “.

Panginoon, naka plano na ang lahat para sa taong ito. Nakapag desisyon na ako. Handang handa na ako. Sa katunayan, sa isip ko, alam ko na ang aking gagawin. Sa puso ko, tunton ko na ang landas na aking nais tahakin. Pero, mukhang may iba kang balak para sa akin. Mukhang, hindi pa ito ang takdang panahon. Gustong gusto ko na sana na ipagpatuloy ang aking matagal nang balak ngunit isang malaking balakid ang kahinaan ng aking katawan. Akala ko puwede na. Akala ko kaya ko na. Akala ko ngayon na. Ngunit mali yata ako. Hindi yata ako dapat na sobrang umasa. Hindi yata ako dapat na labis na naghangad. Ano na ang gagawin ko? Saan na ako pupunta? Kung hindi ngayon, kailan pa? Paano na? Ang dami kong mga katanungan. Nais ko sana ng kalinawan. Panginoon, tulungan mo ako. Gabayan mo ako. Turauan mo ako. Gamutin mo ako. Hindi ko ito kaya nang wala ka. Naniniwala ako na ikaw lang ang siyang makakasagot sa mga katanungan kong tila walang malinaw na kasagutan. Hindi ko kinukuwestiyon ang iyong mga balak para sa akin. Ako ay naniniwalang may mas mainam kang plano. Pinagkakatiwalaan kita. Amen.

Page 135

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s