CHAPTER THE SEVENTH

Elsa

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 20, 2014 at 4:36 hapon

20140320-163427.jpg
Day 79: ” ELSA “.

Taong 1998 nang simulan kong isulat ang isang kuwentong pinamagatang: The Agony of Elsa. Tungkol ito sa madalamhating buhay nang isang batang babae na pinangalanan kong Elsa Ragoza. Dahil sa isang pagkakamaling hindi naman siya ang mismong gumawa, itinakda siyang magdusa habang buhay. Nanaig ang sumpa na kung sino man ang magmamahal at magmamalasakit kay Elsa ay makakaranas ng matinding kapahamakan. Sa kuwento, nakaranas ng matinding pangaapi si Elsa sa kamay ng mga taong inasahan niyang siyang dapat na umaruga sa kanya. Siya ay naglakbay at nakadaupang palad ang iba’t ibang uri ng mga tao. Pinilit niyang mapabuti ang kanyang sarili sa kabila nang mga unos, pighati, at paghihirap na kanyang naranasan. Palagi niyang iniisip na ang lahat ng mga kaganapan sa buhay ng isang tao ay may kadahilanan. Pilit niyang pinaniwala ang kanyang sarili na ang lahat ng tao, miski gaano pa man siya kasama, ay may taglay na kabutihan. Ang dalisay na puso ni Elsa ay parehong nakasama at nakabuti sa kanya. Taong 2004 nang matapos kong isulat ang The Agony of Elsa. Ngunit, dahil sa bahang dulot ni Ondoy, nawala ang aking kaisa isang kopya. Naging sobra akong abala nitong mga naka lipas na taon kaya hindi ko na muling naisulat pa ang kuwento ni Elsa. Sa puso at isip ko, alam na alam ko pa kung paano tatakbo ang istorya! Gusto kong magkaroon ng sapat na panahon para isulat muli ang kuwento. Salamat Miss Yanna Polidario sa Elsa Ragoza doll! Gamitin ko ito bilang inspirasyon!

Page 137

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s