CHAPTER THE SEVENTH

Gummy Bears

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 23, 2014 at 5:21 hapon

20140323-171859.jpg
Day 82: ” GUMMY BEARS “.

Kinausap ako ng Boss ko kaninang umaga. Kinausap niya ako ng masinsinan. Marami kaming napag usapan. Pero ang pinaka highlight nang pag uusap namin ay nang tanungin niya ako kung ano ang motivation ko sa pag pasok sa trabaho. Bigla akong natulala. Wala akong maisagot. For the first time in my life, wala akong naisagot sa isang napaka simpleng katanungan.

Gusto ko sanang mag imbento na lang. Gusto ko sanang sabihin na: My Family! Pero, hindi ko talaga kaya ang mag sinungaling. Hindi ko nakuhang sambitin ang salitang: Family. Ang totoo niyan, nag alala rin kasi ako na kapag ibinigay ko ang sagot kong imbento, baka mag follow up question pa siya nang: Bakit mo nasabi na ang pamilya mo ang motivation mo sa pag pasok sa trabaho? Then, mapipilitan nanaman akong magtahi nang mga salita. And I don’t want to do that!

Blanko ang isip ko for a few minutes. When I finally managed to speak, ang nasabi ko lang ay: ” Honestly, none. ”

Nakita kong bahagyang nanlaki ang mga mata ng Boss ko. Mukhang hindi niya inasahan ang aking naging kasagutan. Bago pa siya makapag salita ulit, inunahan ko na siya. Naging very honest naman ako. I told him that nothing motivates me anymore. Not even money. I gave my reason why money no longer motivates me. I guess naintindihan naman niya ako.

Bandang huli, he told me na pilitin kong hanapin yung motivation ko sa pag pasok sa trabaho. I agree! 100% agree! Dapat talagang malaman ko agad ang motivation ko kung bakit gumigising ako nang alas dos ng madaling araw, bumibiyahe ng maaga, nagtitiis nang gutom, nagpipigil nang pag ihi, at nagbibingi bingihan sa mga bulyaw ng customer araw araw! I need to know what my motivation is – soon!

The whole shift, pinag isipan ko talagang mabuti kung ano nga ba ang motivation ko sa pag ta-trabaho. Wala talaga akong maisip. Tinanong ko din ang ilan sa mga officemates ko. Sa kanila daw, pera! Motivation daw talaga nila ang pera! Why not? In all fairness, vaild reason naman yun!

Pagpatak nang 1:00 PM, agad agad akong nag clock out! Karakaraka! Walang patumpik tumpik! Lumabas ako agad ng office. Bumaba ako agad ng building. Sumakay ako agad ng jeep. May mga nakasabay naman akong mga officemates sa jeep na biyaheng Cubao. Dati rati, kuwentuhang umaatikabo yan kapag pauwi. Pero kanina, tahimik ako. Wala akong masabi. Ang totoo niyan, iniisip ko parin talaga kung ano ang motivation ko.

Hindi na ako tumuloy sa Cubao. Bumaba ako agad sa Pelaez, yung short cut pauwi sa bahay. Tatawid lang ako nang isang street then another jeepney ride. Suwerte dahil may nag aabang nang jeep. Sumakay din ako agad. Nuong mag babayad na ako, may napansin akong isang batang lalaki. Mukhang nagmamaktol! Nakaupo at hindi mapakali sa may Driverside. Kinakausap siya nung Driver. I assumed na anak nung Driver yung bata. May sinasabi yung Driver duon sa bata. Maya maya pa, nakita kong may bitbit nang Gummy Bears yung bata. Masaya na siya! Makangiti na siya!

Buti pa yung bata, alam niya ang motivation niya! Sumasama siya sa biyahe nang Tatay niya kasi gusto niya ng Gummy Bears!

Page 140

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s