CHAPTER THE SEVENTH

Stabilo

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 24, 2014 at 5:35 hapon

20140324-173143.jpg
Day 83: ” STABILO “.

Sa tuwing bumibili ako nang libro, lagi ko ring binabalak na bumili ng Stabilo. Kaya lang, lagi ko rin naman nakakalimutang bumili! Sa sobrang excitement ko kasi na makauwi agad at masimulang basahin yung libro, lagi kong nakakaligtaan ang aking pinaka mimithing highlighter! Ewan ko ba? May pagkamakakalimutin talaga ako.

Ang totoo niyan, maaalala ko lang na kailangan ko pala ng Stabilo kapag nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa, then may madadaanan akong isang magandang linya or may mababasa akong quotable quotes! Bigla akong maghahanap ng highlighter. Then, duon ko lang maiisip na wala pala akong Stabilo. Ayoko naman gumamit ng ballpen. Ano yun? Lilinyahan ko lang? Hindi maganda! Hindi madaling makita!

Meron nga akong isang series na gustong basahin ulit. Actually, alam na alam ko na yung takbo ng kuwento. Pero gusto ko parin siya basahin ulit kasi hitik na hitik sa quotable quotes ang series na ito. Kaya lang hindi ko masimulan ang pagbabasa kasi nga wala pa akong Stabilo. Imagine that? Yun lang talaga ang pumipigil sa akin! Walang habas! Kahindikhindik!

Rest Day ko this coming Thursday and Friday. Marami akong oras para magpunta ng Mall at mag gala! Balak kong bumili nang bagong libro! Miski anong libro na puwede kong pagka abalahan! Yung libro na talagang pagtutuunan ko nang pansin! I’ll also make sure na maka bili na din ako ng Stabilo! Hindi ko na talaga kakalimutan! I swear! I promise! Gagawin ko na!

Oo nga pala, tulad nang pag nanais ko na magkaroon nang Stabilo upang mamarkahan ang mga hindi ko malilimutang parte sa librong aking binabasa, nais ko rin na simula ngayon ay markahan din ang lahat ng magagandang ala ala sa aking buhay!

Salamat sa lahat ng bumati sa akin! Ako ay inyong napaligaya!

Page 141

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s