CHAPTER THE SEVENTH

Halo Halo

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 25, 2014 at 5:09 hapon

20140325-170725.jpg
Day 84: ” HALO HALO “.

Sumakay na ako ng taxi papasok kaninang umaga! Late na kasi ako kaya kailangan ko na mag madali! Dirediretso naman ang biyahe ko. Walang traffic! Malinis ang kalsada. Suwabe naman mag maneho yung Driver. Pero before pa kami makapag U Turn papasok sa Eastwood, muntik pang maka sagasa yung taxi na sinasakyan ko! May bigla ba naman kasing tumawid sa hindi tawiran! Naka suot pa ng itim na t shirt yung pedestrian kaya hindi agad napansin nung Driver! Collapse!

4:43 AM na nang makapag log in ako! Halos isang oras na naman akong late! Mamumuro na talaga ako! Konting konti na lang at Bingo na! Kung hindi absent, late naman! Kung hindi late, nasa clinic! Kung hindi nasa clinic, voluntary go home! Ano na? Ano na ang nangyari? Lubog na lubog na talaga ako sa lusak! Sa konti nang oras na naipasok ko, malamang pang bili na lang ng Ho-Mi Instant Mami Beef Flavor ang susuwelduhin ko! Hikahos!

Surprisingly, hindi masyadong marami ang mga calls ngayon araw na ito! Hindi masyadong queueing! Hindi pangkaraniwan ang ganitong sitwasyon lalo na at Lunes! Marami ang pinayagang mag voluntary go home. Marami ang in-offer-an nang 2 hours lunch break! Maraming Teams ang nakapag meeting! At maraming agents ang na pull out para umattend ng Meeting with OM Ian! Tungkol daw sa Integrity ang agenda! Ayan na! Boom!

Pinost ni TL Joerge ang MTD scorecard namin sa Chatroom! As usual, I am at the bottom of the heap! Walang habas na 1.3 lang talaga ang score ko! Kahiya hiya! Karimarimarim! Walang kinabukasan! Walang buhay! Walang pag asa! Walang kinang! Walang maipagmamalaki! Walang ganda! Hindi na kailanman makaka ahon pa! Putik! Lusak! Ibabaon na talaga sa hukay! Patay!

Muli kaming nakapag usap nung kaibigan kong nasira ang buhay dahil sa pag ibig! Nuong mga panahong lango pa siya sa pagmamahal, halos ibigay na niya ang lahat nang mayroon siya! Hindi niya pinanghinayangan ang mga bagay na nawawala sa kanya! Ibinigay talaga niya buong buhay niya! Halos wala na siyang makain! Halos gawin niyang hobby ang paglalakad papasok at pauwi sa office dahil wala na siyang pamasahe, makapag bigay lang ng pera sa taong mahal niya! Ang ending? Iniwan siya nang wala na siyang maibigay! Kawawa!

After work, dumiretso kami nang officemate kong si Rotsen sa Ali Mall. May bibilhin daw kasi siyang CD! Ako naman maghahanap ng Gum Ball Dispenser! But before kami mag ikot, kumain muna kami sa Mang Inasal. Umorder ako ng Spicy Paa pero 15 minutes pa daw maghihintay kaya yung hindi na lang Spicy ang binili ko! Nanghingi na kang ako ng sili! Gutom na gutom ako! Naka dalawa at kalahating servings ako nang kanin! Actually, gusto ko pa sana magdagdag ng rice kasi malaki pa yung ulam ko, pero pinigil ko na lang sarili ko! Delikado!

Dahil sa init at alinsangan ng panahon, umorder din ako ng Halo Halo sa Mang Inasal! Yung worth 69 Pesos! Sulit na sulit naman! Hindi na masama! Malaki yung serving! Pinong pino yung yelo! Umaapaw sa gatas! Makrema! Malinamnam! Hindi tinipid ang sangkap! May sahog siyang: gulaman, saging, buko, sago, pinipig, leche flan, beans, munggo, ube, barquillos, at may topping na isang scoop ng ice cream! Nakakatanggal stress! Nakakatanggal init! Nakakatanggal pighati! Nakakatanggal dalamhati! Masarap!

Page 142

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s