CHAPTER THE SEVENTH

Two Hundred Twenty Seven

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 26, 2014 at 6:54 hapon

20140326-185146.jpg
Day 85: ” TWO HUNDRED TWENTY SEVEN “.

Thursday pa lang bukas. Sa Friday pa ang aking suweldo. Mukhang naging masyado yata akong magastos this week! Imagine, 227 pesos na lang ang salapi ko? Kayanin ko kayang mabuhay until Friday na ito lang ang laman ng aking wallet? Tag gutom na ako! Tag hirap na talaga! Isa na akong pulubi! Nagdarahop!

Bibili ako ng Gardenia Loaf Bread mamaya. 65 pesos din yun! May matitira pa akong 162 pesos. Gusto ko rin sana kumain ng Goto bukas ng umaga. Maglalakad na lang ako papunta sa Gotohan para hindi na ako mamasahe pa. Makakatipid ako ng 16 pesos! Magkano ba yung Goto? 40 pesos din yata yun! Iinum na lang ako ng tubig para hindi na ako mag softdrinks pa! So, bale may matitira pa akong 122 pesos!

Ano kaya ang gagawin ko sa natitirang 122 pesos ko? Ipuhunan ko kaya sa negosyo? Bumili kaya ako ng asukal na pula at Saging na Saba na pang Banana Cue then magbenta ako? I’m sure malaki ang magiging tubo ko kapag ganun ang ginawa ko! Kaya lang, kailangan nuon ng maraming mantika! Baka hindi na sapat yung pera ko! Paano na maluluto ang Banana Cue kung Saging na Saba at Asukal na Pula lang ang mayroon ako? Mali!

Paano naman kaya kung itaya ko na lang sa lotto? Magkano ba ang ticket sa lotto? Magkano ba ang jackpot ngayon? I’m sure kapag nanalo ako, instant Millionaire ako! Bigla akong yayaman! Lahat ng gusto kong gawin ay magagawa ko! Lahat ng gusto kong kainin ay makakain ko! Lahat ng gusto kong puntahan ay mapupuntahan ko! Kaya lang, wala akong suwerte sa mga sugal eh! Ni hindi pa nga ako kailanman nakakataya pa sa lotto! Then if ever man na suwertehin talaga ako, I’m sure masisira lang ang buhay ko! Dadami ang magpapakilalang kaibigan at kamaganak ko! Darami ang problema ko! Ayoko nun!

Hay! Ano ang gagawin ko? Ang hirap talaga ng walang pera!

Page 143

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s