CHAPTER THE SEVENTH

Bulaklak

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 27, 2014 at 5:10 hapon

20140327-170815.jpg
Day 86: ” BULAKLAK “.

Hindi ko alam kung anong klase o ano ang pangalan ng bulaklak ito pero dahil makulay at maganda siyang tignan, kinunan ko na rin siya ng larawan. This would be the first time I am featuring a flower as my subject in My Project 365! A flower is a very convenient subject! Walang masyadong effort! Likas na kasi talagang kabighabighani ang ganda ng bulaklak!

Actually, hindi ko man lang nga na simsim ang bulaklak na iyan. Hindi ko alam kung ano ang amoy niya. Or kung may taglay ba siyang halimuyak. Hindi ko na nakuhang amuyin kasi nasa gilid lang yan ng kalsada. Sa labas ng kulay orange na pader ng isang bahay sa may kanto. Palagay ko, walang halimuyak ang bulaklak na iyan. Kasi kung meron, dapat miski papaano naamoy ko na nuong lapitan ko siya para kunan nang larawan.

Maraming mga bulaklak na maganda ang hitsura pero walang halimuyak. Bougainvillea, Yellow Bell, Orchids, and Gumamela to name a few. Orchids din yata wala ring amoy. Ano pa bang mga bulaklak ang walang halimuyak? Santan! Wala ring amoy ang Santan!

Dati may puno ng Kalachuchi sa may bakuran namin. Nuong bata pa ako, madalas akong umakyat sa punong iyon. Gustong gusto kong umaakyat dati sa puno ng Kalachuchi kasi kapag nasa taas na ako, marami akong natatanaw! Kitang kita ko ang lahat ng bahay sa paligid namin! Kitang kita ko rin ang lahat ng mga tao sa baba.

Kapag nasa taas na ako nung puno, namimitas na ako ng mga bulaklak. Iniipon ko muna yung mga bulaklak sa suot kong t shirt na kagat kagat ko yung dulo. Pagbaba ko ng puno, tinutuhog namin sa ting ting yung mga bulaklak ng Kalachuchi. Then inaalay namin sa Simbahan. Unlike the flowers na nabanggit ko kanina, ang Kalachuchi ay may mabangong halimuyak. It has a very sweet scent! Then yung petals naman, kulay white na may yellow. Ang ganda tignan.

May puno rin dati ng Ylang Ylang sa tapat ng kapitbahay namin. Naaalala ko tuwing gabi, kapag naka istambay na ako sa labas ng bahay, lagi kong naaamoy ang napaka bangong halimuyak niya. Amazed na amazed talaga ako! Very magical ang dating sa akin kasi talagang sumasama yung bango sa malamig na ihip nang hangin. Ang saya talaga!

Page 144

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s