CHAPTER THE SEVENTH

Strawberry

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 28, 2014 at 4:37 hapon

20140328-163452.jpg
Day 87: ” STRAWBERRY “.

Summer na talaga! Sobrang init na ng panahon! Kapag lumabas ka ng bahay, para kang nasa tabi ng nagbabagang kahoy! Para kang niluluto sa loob ng oven! Talagang pag papawisan ka! Maghuhulas ka talaga ng walang habas! Grabe! Ang tindi! Sa mga panahong tulad nito masarap pumunta sa Baguio!

Nuong nagtuturo pa ako, every year yata nasa Baguio kami. Taon taon meron kaming Baguio Trip! Duon kasi namin sine-celebrate ang Teacher’s Day. Sa Teacher’s Camp kami tumutuloy! Ang sarap mag stay sa Baguio! Maginaw kasi talaga! Malamig ang panahon. Masarap gumala! At higit sa lahat, masarap manginain ng kung ano anong fresh fruits and vegetables. Lalo na nang Strawberry!

Pero actually, ang totoo niyan, sa ilang beses kong pumunta sa Baguio, parang wala akong matandaang time na talagang sinadya ko at bumili ako ng Strawberry para kainin! Siguro nakitikim ako sa isang co Teacher ko na siyang bumili. Pero para ako ang talagang gumastos, parang wala akong maalala.

Siguro kasi, wala akong maraming pera na pang gastos nuong mga panahong isa pa akong Guro. Siguro kasi, talagang sapat lang ang budget ko nuon sa kung ilang araw kaming mag se-stay sa Baguio. Kaya siguro hindi ko man lang naisip na bumili at tumikim man lang Strawberry.

Kanina, sa kakahanap ko ng subject ko for my Day 87 photo, ito ang aking nakita sa grocery! Strawberry! Mura lang pala.

Page 145

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s