CHAPTER THE SEVENTH

Secret Place

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 30, 2014 at 5:58 hapon

20140330-175408.jpg
Day 89: ” SECRET PLACE “.

Pumunta ako dito sa lugar na ito. Sa may Blue Ridge along Katipunan. Malapit lang sa Quirino Memorial Medical Center. Katanghaliang tapat nuong pumunta ako. Bandang alas Tres! Sobrang init! Tagaktak ang pawis ko! Nilakad ko lang kasi mula sa bahay! Pero saglit din lang naman ang paglalakad ko. Mga 10 minutes siguro. Or maybe even less. Ako lang mag isa! Wala akong kasama. Promise!

Ang daming tao pagdating ko. Walang bakante. Diretso na muna ako sa counter. Umorder ako ng isang slice ng Blueberry Cheesecake and Homemade House Iced Tea! After placing my order, saglit akong naghanap nang mauupuan. May nakita naman akong bakanteng lamesa, kaya kang nasa mismong gilid ng pintuan. Ayoko naman duon. Daanan kasi nang lahat ng tao. Hindi makakaiwas sa istorbo. Bukod pa duon, kada bukas ng pintuan, sabay na pumapasok ang mainit na ihip ng hangin. Nakaka stress!

Suwerte ko rin siguro kasi, wala pa yatang dalawang minuto akong naghahanap ng mauupuan, tumayo na yung mga naka occupy ng isang table malapit sa may bintana. Duon na ako umupo, karakaraka may lumapit nang crew. Nilinis niya agad yung table at nilagyan na niya ng bagong paper mat and utensils para magamit ko. Then ilang saglit din lang, nai-serve na yung order ko. Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon. Sinunggaban ko na agad yung Blueberry Cheesecake ko! Ang sarap! Halos makalimutan ko ang pangalan ko! Heaven!

Hindi ko na alintana pa ang mga nangyayari sa paligid ko. Abala lang ako sa pagkain habang nagbabasa ng aklat. Nasa Chapter 11 na ako ng Harry Potter and the Sorcerer’s Stone. Maglalaro na ng Quidditch si Harry. Hindi ko na napansin na unti unti na palang kumokonti ang mga tao sa loob. It was only after I was able to consume my one slice of Blueberry Cheesecake when I noticed that there were only 5 tables occupied. 5 tables including mine.

To my right were an elderly couple. Si Lolo, tahimik na kumakain ng Sandwich niya habang hinahalo ng kanyang kaliwang kamay ang kanyang umuusok pang Kape. Nakalatag naman sa lamesa nila ang isang bungkos ng papeles. Si Lola naman, may Chocolate Cake and Orange Juice na pinagkaka abalahan. Dahan dahan silang kumakain. Once in a while, binubuklat ni Lolo yung mga papeles, binabasa niya yung mga papeles. Then ibinabalik din agad yung papeles sa bundle nito. Saglit na nagkatinginan yung dalawang matanda, inalok ni Lola si Lolo na tikman yung Chocolate Cake niya. Ngumiti lang si Lolo at inalok din yung sandwich niya kay Lola. How sweet!

To my left were a young couple. Yung lalaki, naka uniform ng Nurse sa QMMC. Then yung girl naman, naka blue shirt and maong shorts. Maingay yung girl. Panay ang salita ng english. Yung lalaki naman, english din ng english pero hindi kasing ingay nung girl. Yung girl ang tumayo para umorder. Yung lalaki naman, naiwang naka upo. Panay lang ang sabi dun sa girl kung ano ang gusto niya. Nung bumalik na yung girl galing sa counter kung saan siya nag place ng order, nag kuwentuhan na sila ulit! Mukhang bagong graduate pa lang si girl and naghahanap pa ng trabaho. Kinukuwento niya kasi na nag apply daw siya. Gustong gusto daw siya nung nag interview sa kanya! Pinuri daw talaga siya. Impressed daw talaga sa credentials niya. Then ang huling sinabi daw sa kanya nung nag interview sa kanya ay: ” Wait for our call. ”

Further to the left were two ladies. Mukhang officemates sila. Tahimik lang silang nagkukuwentuhan. Hindi ko na marinig ang conversation nila. Bukod kasi sa medyo malayo na sila sa akin ay umaalingawngaw din talaga yung boses nung inggleserang babae na may kasamang Nurse. Anyway, nakaka aliw pagmasdan yung dalawang babae kasi panay ang kuha nila ng pictures. Selfie to the left, selfie to the right, selfie from above, and selfie from below talaga ang trip nila. Lalo silang naging busy sa photo shoot nung mai-deliver na yung food nila. Then pinakiusapan pa nila yung isang waitress na kunan sila ng picture. Ang pinaka huli nilang shot, naka Japan Japan sila pareho! Ang saya!

Finally, duon sa pinaka dulong table, may naka upong isang pamilya. Kasama si Mommy, si Daddy, si Kuya, and si Baby Bunso. May tag isang Yaya yung dalawang bata. Naka uniform pa ng pang Nanny yung dalawang Yaya. Si Mommy, very pretty naman. Very sophisticated and dating! Sexy pa nga siya kung tutuusin. Si Daddy naman, mukhang mabait. Mukhang masipag! Mukhang mayaman! Si Daddy yung tumayo para mag place ng order. Dahil malapit sa counter yung table ko, narinig ko pa kung magkano yung bill nila. 1,600 php daw! Ang mahal! Ito na, nuong nai-serve na yung food, napansin ko na dawalang plates lang ang inihain. Dalawang baso ng juice, and dalawang slices ng cakes. Pinagmasdan ko kung ano ang mangyayari. Si Daddy, tuloy tuloy lang sa kanyang pag kain. Si Mommy naman, bukod sa sarili niya, sinusubuan din niya si Kuya at paminsan minsan pati narin si bunso. Then yung dalawang yaya, nakatingin lang. Naghintay ako. Baka naman medyo nahuli lang yung food nung dalawang Yaya. Nagkamali ako. Natapos nang kumain si Mommy and Daddy, walang platong dineliver para duon sa dalawang Yaya. Matapos pa ang ilang minuto, tumayo na sila at umalis.

Page 147

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s