CHAPTER THE SEVENTH

Throw Pillow

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Abril 2, 2014 at 5:48 hapon

20140402-174134.jpg
Day 92: ” THROW PILLOW “.

Ipinagpatuloy ko ang nasimulan kong adhikain kahapon! Iniwasan ko ang masyadong mag alala. Mas pinili ko ang maging masaya kaysa maging miserable! Mas binigyan ko nang pansin ang positibo. Mas pinagtuunan ko nang panahon ang siyang mas nagpapaligaya sa akin! Hindi ko binigyan nang pagkakataong mamahay sa aking puso ang galit, ang lumbay, ang duda, ang hinagpis, ang pagmamalabis, at ang lahat ng negatibo!

Pagkatapos nang trabaho, nagkayayaan kami nang aking mga officemates na sina Billy at Jeca sa Wendy’s Cubao. Gusto namin ng Frostee. Gusto ko rin ng French Fries at Baconator. Naglakad kami sa gitna ng init ng araw. Pagdating namin sa ShopWise, napag alaman naming closed for renovation ang Wendy’s duon. Hindi ako nagalit. Huminga na lang ako ng malalim. Ngumiti. Nagpatuloy sa paglalakad. Pumasok sa loob ng walang aircon na Mall. Tagaktak ang pawis. Positibo lang. Ganun talaga ang buhay.

Laking ginhawa nang makapasok kami sa loob ng Gateway Mall. Malakas ang aircon. Malamig. Naglakad kami paakyat sa Food Court. Hinanap ang Wendy’s. Umorder. Naghanap ng bakanteng lamesa. Umupo. Kumain. Naging masaya! Nagkuwentuhan. Tumawa. Nangarap. Nagbahagi sila Billy at Jeca nang mga kuwento. Mga karanasan sa buhay. Ako ay natuto. Ako ay nagpasalamat sa Siyang Lumikha sapagkat aking napagtanto na miski papaano pala ay suwerte ako.

Bandang alas tres y media, nagkayayaan ng umuwi. Dinaanan muna namin yung exhibit ng mga memorabilia at relics ni Saint John Paul II. Nasa baba ng Gateway Mall ang nasabing exhibit. Totus Tuus Tour. Tulad ng dati, sinigurado kong kumuha ako ng mga larawan. Ilang minuto rin kaming naglagi duon. Finally, at around 4:00 PM, nagkahiwalay hiwalay na kami. Kanya kanyang lakad papunta sa kanya kanyang sakayan ng jeep. Si Billy, pauwi ng San Mateo. Si Jeca, pauwi ng Antipolo. At ako naman, pauwi dito sa Project 4.

Kailangan ko muling dumaan sa SM Cubao para makatawid papuntang Ali Mall at palabas naman papunta sa sakayan ng Jeep. Muli kong madadaanan ang display ng mga cute na Throw Pillow sa SM. Balak ko sanang tignan kung magkano yung Throw Pillow na may Black and White design na una ko nang nakunan ng larawan nuong papunta pa lang kami sa Wendy’s. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nuong malapit na ako sa display ng mga Throw Pillow, nag desisyon akong lampasan na lang ang mga ito. Naisip ko na bakit ko pa titignan ang presyo nung Throw Pillow kung hindi ko naman talaga siya bibilhin. Bakit pa ako magpapaka abala kung hindi naman talaga siya magiging kapakipakinabang sa akin. Ang mga bagay na hindi naman mahalaga sa ating buhay ay hindi na dapat pinag aaksayahan pa ng panahon.

Page 150

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s