CHAPTER THE SEVENTH

The Door

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Abril 3, 2014 at 3:42 hapon

20140403-153945.jpg
Day 93: ” THE DOOR “.

Ang Paaralan at ang Teatro ang aking naging buong buhay sa loob nang sampung taon. Kaya naman, nuong biglaan akong umalis sa pagtuturo, akala ko ay katapusan na ng aking mundo! Akala ko ay hindi na ako mabubuhay pa! Akala ko ay wala na akong pag asa! Akala ko ay the end na! But obviously, I soon found out that I was wrong! I was very wrong!

Actually, ilang araw din ako nuong nag alala, lugmok, at hindi mapakali after kong mag goodbye sa paaralan. Then, one day I realized that life must go on. I must continue living. Continue hoping. Continue fighting. So, I mustered all my courage, started printing out my resume, and made a plan to start applying for a job as soon as possible!

Buwan ng Pebrero nuong mga panahong nangyayari ang lahat ng ito, medyo alanganin kung mag aaply ako bilang Guro sa isang paaralan. Matanggap man ako, baka ilang buwan din akong mababakante. Buwan kasi ng June ang pasukan ng mga bata. So, ilang buwan din akong mawawalan ng budget! Hindi ko kakayanin yun! Hindi iyon puwede! Mag isa lang akong nangungupahan nuon kaya kailangan kong kumilos!

Dahil sa pangangailangan, nag try akong mag apply sa Call Center. Ginawa ko talaga ang lahat para lang pumasa sa interview at exam. Siguro, alam ng Panginoon ang aking mga pangangailangan kaya, unang Company pa lang na pinag applyan ko ay tanggap na ako kaagad. Ang bilis ng mga pangyayari. Wala pa yatang dalawang linggo akong nag paalam sa paaralan ay magsisimula na ulit ako ng bagong trabaho. Hindi naputol ang pagpasok ng income ko. Tuloy ang buhay! Ang pinaka masaya pa ay, mahigit sa doble ang naging suweldo ko kung ikukumpara sa aking kinikita nuong nagtuturo pa ako. Totoo pala talaga ang kasabihang: ” When a door closes, a window opens. ”

Page 151

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s