CHAPTER THE SEVENTH

Building

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Abril 4, 2014 at 4:36 hapon

20140404-163357.jpg
Day 94: ” BUILDING “.

Ito yung view mula sa labas ng MDC Building along E. Rodriguez Jr. Avenue corner Eastwood City Libis kung saan ako nag ta-trabaho. Ilang hakbang lang iyan mula sa main entrance facing the highway. Kung titingala ka, iyan mismong tanawin na iyan ang iyong makikita! Kapag madilim, nakaka aliw tignan yung LED display sa tapat ng gusali. Makulay kasi. Ina-advertise yung mga pangalan ng mga establishments na nag o-office sa loob. Kuha ang larawang ito nang bandang ala una ng tanghali. Kitang kita sa isang bahagi ng building sa bandang kanan ang sinag ng haring araw.

Mahigit isang taon na akong labas pasok sa building na ito. Actually, 1 year and 5 months na bukas. Marami naman akong masasayang memories sa building na ito. Marami akong mga nakilalang bagong kaibigan. Sadly, yung iba ay wala na. Nangibang kumpanya na. Nakakalungkot din naman kung iisipin. Pero, karamihan naman sa mga nakilala at naging kaibigan ko ay mga kasama ko parin hanggang ngayon. Matatag parin. Matibay! Kapit na kapit!

Nuong bagong salta ako sa building na ito, medyo marami pang mga kainan sa lobby at sa mezzanine. Medyo marami pa nung choices. Bukod sa ever famous na McDonald’s na nasa lobby, naanduon din ang Bo’s Coffee and Country Style Donuts. Meron ding isang Tea Shop na hindi ko na maalala ang pangalan kasi matagal na rin siyang nagsara. Favorite ko pa naman duon yung Winter Melon Tea nila! Sa mezzanine naman, marami ring pagpipilian. Merong Korean and Chinese Food, merong inihaw, Waffles, Salad Bar, and Cake Shop. Favorite ko nuon yung Cheesecake. Pero, sayang marami na ring nag saradong kainan sa mezzanine.

Marami talagang mga bagay sa mundo na, miski maganda at nag dudulot ng ligaya, ay talagang kailangang magtapos o magsara.

Page 152

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s