CHAPTER THE SEVENTH

Antipara

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Abril 5, 2014 at 11:06 umaga

20140405-110219.jpg
Day 95: ” ANTIPARA “.

First Year High School ako nuon nang una akong nag suot ng Antipara! Sa tagalog: salamin sa mata at sa english: eyeglasses. Natatandaan ko na before ako sukatan ng salamin, napansin ko na madalas ako mahilo, sumasakit parati ang ulo ko at medyo talagang nanlalabo ang aking paningin. Hirap ako nuon na magbasa lalo na kung medyo malayo sa akin yung babasahin ko. Madalas nga kapag nag aabang ako ng jeep, lagi akong nalalampasan kasi kung kelan ilang dipa na lang ang layo ng sasakyan, saka ko lang mababasa kung ano yung nakasulat sa sign board.

Actually, kung gaano kalabo ang aking mga mata ay ganun din kalabo ang grado nito. Yung right eye ko ay near sighted, may grado na 525, at may astigmatism pa. While my left is perfect! Walang grado. Walang diperensiya. Kaya naman yung antipara ko ay hindi rin balance. Makapal yung corrective lens sa right. Then manipis naman yung nasa left. Nakakatuwa!

Mahirap ang naka suot ng antipara. May discomfort din siyang dulot sa nagsusuot. Medyo nakakairita din minsan. Lalo na kapag mainit ang panahon. Then kadalasan, kapag nakaharap ka sa aircon at bigla kang tumayo or lumayo, bigla na lang mag fa-fog yung lens! Ganun din ang nangyayari kapag nagbukas ka ng rice cooker na may bagong lutong kanin! Talagang lalabo yung lens dahil sa steam. Kaya kadalasan, kapag nagkakape or humihigop ako ng mainit na sabaw, tinatanggal ko muna ang salamin ko.

There was a time na, dahil nga sa mga disadvantages na dulot ng pagsuot ng antipara, I decided to use contact lens. Kulay green talaga! Walang habas na kulay luntian! For a while, talagang na enjoy ako siya. Wala akong iniisip na kailangang tanggalin before humarap sa aircon, or before humarap sa ano mang bagay na may steam. Then wala rin akong iniintindi na ano mang bagay na naka patong sa puno ng ilong ko na paminsan minsan ay dumadausdos pababa lalo na kung pawisan na ako.

But after a few months, medyo nagsawa din ako sa pagsuot ng contact lens. Na realize ko kasi na parang mas nag e-effort ako kapag contact lens ang suot ko. Imagine, tuwing umaga nag papakaabala akong maghugas mabuti ng kamay, linisin ang contact lens, dutdutin ang mga mata ko, i-shoot ang contact lens, at kapag naka suot na siya ng matagal ay kailangan ko na mag patak ng eye drops. Then before matulog, kailangan tanggalin din siya. Panibagong ritwal nanaman nang paghuhugas ng kamay, pagkalikot ng mata, at pag babad ng contact lens. Masyadong matrabaho. Kay balik antipara na lang ako!

Nagtanong na rin ako sa Doctor about Lasik Eye Surgery. Pero diniscourage ako. Hindi ko panaman daw kailangan. Bukod sa hindi praktikal ay hindi pa rin naman ganun ka tindi ang labo ng mga mata ko. Besides, dahil nga malinaw naman yung left eye ko, kinakaya pa niyang dalhin yung sobrang malabo na kanang mata. Minsan nga kapag hindi rin naman sumasakit ang ulo ko, talagang hindi ako nag sasalamin. Pero sabi ng doctor, kapag sinanay daw yung mata na ganun, magiging lazy eye naman daw yung malinaw na mata! Walang kapaglagyan!

If I had a choice, nanaisin ko na sana ay 20-20 ang vision ko! Yun bang talagang perpekto ang aking mga paningin. Yun bang malinaw na malinaw at matalas na matalas talaga ang aking mga mata. Pero, siguro imposible na yun! Hindi yun puwede mangyari! I can never be perfect! Meron at meron akong magiging kapintasan. Hindi puwedeng wala!

Page 153

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s