CHAPTER THE SEVENTH

Anino

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Abril 7, 2014 at 5:11 hapon

20140407-170920.jpg
Day 97: ” ANINO “.

Hirap na hirap nanaman akong maghanap ng magandang subject for my photo of the day. Kaya naman, miski na tanghaling tapat, nag ikot ikot ako sa street namin. Naghanap ako ng something really interesting to shoot. May nakunan akong picture ng isang kulay orange na pusa na naka upo sa tapat ng isang school. Then may nakunan din akong picture ng berdeng guyabano duon sa tindahan ng prutas sa palengke na pinag bilhan ko ng hilaw na mangga. On my way home from the market, sa katirikan ng araw, napansin ko ang aking anino sa kalsada. So, I took a photo of it right away.

Teka, ganito ba talaga ako kalaki? Ganito ba ako kataba? Parang hindi naman yata. Slim naman talaga ako sa personal! Siguro dahil lang yan sa anggulo ko sa kung nasaan naroon nanggagaling ang sikat ng araw! Oo, yung araw ang may kasalanan! Hindi ako. Payat talaga ako. Kaya, mali ang anino na ito! Mali nga ba talaga? Or pinipilit ko lang maniwala sa isang bagay na wala namang katotohanan? Siguro, kailangan ko pang mag practice kung paano kumuha ng magandang larawan ng aking sariling anino. Siguro.

I have a cousin who once told me: ” The only person that you could really trust is yourself. ” Lagi kong tinatandaan ang sinabi niya. Totoo din naman kasi talaga! Maraming tao sa paligid natin na kunyari papakitaan ka ng maganda kapag nakaharap ka, pero pagtalikod mo naman, kung ano anong paninira ang sasabihin tungkol sayo. Kadalasan naman ang mga paninira nila ay walang matinong batayan! Ang masakit pa nito, yung mga taong magaling manira sa iyo ay iyong mga taong pinagkatiwalaan mo. Ang saklap!

Siguro, ipagpapatuloy ko na lang muna ulit na pagkatiwalaan ang sarili ko! Hindi muna ako ulit magkukuwento ng magkukuwento sa ibang tao. Sasarilinin ko muna ang mga bagay na ayaw kong panghimasukan ng iba! Mahirap na kasi talaga ang magtiwala! Delikado! So, I guess, ako talaga yung anino ko. Mataba na kung mataba! I don’t care! Basta, I trust myself! I can do great things! I can be the best! I don’t care what other people would say and think about me!

Page 155

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s