CHAPTER THE SEVENTH

Breakfast Joy

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Abril 8, 2014 at 2:08 hapon

20140408-140619.jpg
Day 98: ” BREAKFAST JOY “.

I took advantage, again, of the two hours early lunch na in-offer kanina nang workforce! So, bale almost 30 minutes pa lang akong nakapag sisimulang mag trabaho, nag lunch na ako kaagad. Wonderful! Perfect! Superb! Great! Fantastic! Awesome! At lahat lahat na ng power words na puwede mong maisip sambitin! I, honestly want and appreciate that! And with the word: that, I mean the “two hours early lunch”. I like that, kasi narerelax ako. Sobrang narerelax ako. Hindi ako gaanong na se-stress! At dahil hindi ako aburido, nakakapag trabaho ako ng maayos! Why not?

Anyway, dahil wala naman akong kasabay mag lunch, mag isa ulit akong bumaba ng building at dumiretso sa Jollibee na malapit sa Saint Pio Church sa Eastwood. Kung tutuusin, kung fast food din lang naman talaga ang habol ko, puwede naman ako sana kumain sa Tropical Hut sa Mezzanine Floor or sa McDonald’s na nasa Ground Floor naman. Pero dahil gusto ko talagang maka labas ng building, makakita ng ibang tao, at makalanghap man lang ng hindi kasariwaang hangin nang madaling araw, talagang buwis buhay akong nakipag patintero sa mga jeep, taxi, motor, at truck para lang maka punta sa Jollibee. Ang saya!

Pagdating ko sa Jollibee, napa good vibes ako kaagad dahil duon sa babaeng service crew na nasa counter. Kasi, nuong makita niya ako, bukod sa buong ningning niyang pagbati, agad agad, walang patumpik tumpik, at tila isang manghuhula niya akong tinanong nang:

“Sir, Hotdog Breakfast Joy and Pancake?”

Sumagot naman ako ng:

“Yes, please.”

Then the female crew continued:

“Pineapple Juice for drinks po diba?”

Again, all I was able to say was:

“Yes, thanks!”

Dahil wala pa silang lutong Pancake, I was asked kung willing to wait daw ba ako for 5 minutes. At dahil hindi naman ako nag mamadali kasi nga dalawang oras naman ang Lunch ko, sumagot ako ng: Oo. So nauna nang ibigay yung Hotdog and Egg with Fried Rice ko, then true enough, within 5 minutes, naibigay naman yung favorite kong Pancake! Dahil sa very positive experience ko duon sa babaeng crew, talagang na enjoy ko yung pagkain ko ng pang breakfast kong lunch! Kudos talaga para kay female service crew! Now, I must declare: I love Jollibee!

Actually, hindi na ako nagtataka kung bakit alam na agad nuong babaeng crew ang o-order-in ko. Halos everyday din naman kasi talaga, kapag kumakain ako duon, yuon at yuon din lang naman ang binibili at kinakain ko. What I appreciate most with what the female crew did was that she made an effort to remember what I always buy. Naramdaman ko naman that she personalized her service! Very good talaga! Excellent Customer Service! Wonderful! Ang lakas maka good vibes! Positivity to the highest level!

Oo nga pala, alam nyo ba na kaya ko talagang kumain ng isang uri lang na food ng paulit ulit nang hindi ako agad mag sasawa! Basta favorite ko yung pagkain, miski na iyon lang ang ihain sa akin sa loob ng isang buong taon, kaya ko yan! How about you? Ganun ka rin ba?

Page 156

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s