CHAPTER THE SEVENTH

Ganglion Cyst

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Abril 9, 2014 at 3:12 hapon

20140409-150956.jpg
Day 99: ” GANGLION CYST “.

Just 3 months after the Ganglion Cyst on my right hand was aspirated for the second time, I was back to Dr. Libunao at Borough Medical Clinic in Eastwood again. Bale, pangatlong aspiration ko na ito ng cyst sa kamay. Nasasanay na ako sa kirot. Memorize ko na yung procedure. Kilala na ako nung mga Nurses. Gamay ko na kung paano magtrabaho si Dr Libunao. At mukhang at home na rin sa akin si Doc kaya during the entire time that he was attending to me, panay na ang biro niya about Jolly Hotdog at panay ang kuwento niya about how two people who work together get developed romantically kapag laging magkasama at lalo na raw kung ang trabaho ay sa night shift! Ang kulit ni Doc!

Anyway, saglit lang naman yung procedure. Wala pang 15 minutes! Bale una, lilinisin muna yung paligid nung kamay na may cyst. Then afterwards lalagyan ng pangpamanhid. Then tutusikin yung cyst ng malaking needle. Then duon na ina-aspirate. Hihigupin yung laman. Hindi naman gross yung nakukuhang laman. Actually, transparent lang siya na liquid na parang gel form. Malapot na malapot. Yun daw yung pampadulas ng joints na nag spill sa may tissue nang kamay. Then binalot ng sac. Nangyayari daw ang pag spill kapag na rapture yung tendons sa kamay. Nangyayari yun kapag nagkaroon ng trauma or injury yung kamay. Ganun!

I asked Dr. Libunao kung puwede na niyang operahan since pangatlong beses na naming ina-aspirate ang cyst ko sa kamay, he told me that malaki nga daw kasi ang chances of re-occurance even if na operahan na, kaya he doesn’t recommend incision. Then he showed me kung gaano kalaking hiwa ang gagawin sa kamay ko para matanggal yung bukol. Then sabi pa niya, maraming complications ang incision. Isang maling ugat ang madamay, baka maparalyze and kamay ko. He also told me that after operation, I must rest my right hand for 2 weeks. As in kailangan daw hindi ko igagalaw para mag close na yung root nuong cyst and para mag heal yung sugat! Nawindang ako! Hindi ako ready! Kaya, balik aspiration muna kami. But kapag bumalik daw yung cyst sa pang apat na pagkakataon, kailangan na daw talagang operahan. Yikes!

After the aspiration, goodbye for now muna ako ulit kay Dr. Libunao. Ang huling habilin niya ay huwag kong tatanggalin yung benda for 48 hours. Then for two weeks, I need to wear wrist guard or kung wala pa, lagi daw bendahan with pressure duon sa location ng cyst! Lagot! Ang init pa naman! Ngayon pa nga lang, kating kati na akong tanggalin yung benda eh! Kaya ko ba ito ng two weeks? Let me see!

Page 157

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s