CHAPTER THE SEVENTH

Relo

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Abril 10, 2014 at 2:10 hapon

20140410-140748.jpg
Day 100: ” RELO “.

Naranasan ko na ang mawalan ng budget. Naranasan ko nang mag zero balance. Yun bang tipong said na said na talaga ang pera ko. Limas na limas na! Wala nang pang gastos, wala nang pambili ng pagkain, wala nang pang bayad ng bill, wala nang ma-withdraw sa banko, at wala na talagang mapagkukunan! Dahil sa sobrang kadesperaduhan, pati ang mga barya na nagkalat sa bahay ay pinag pupulot at pinag sama sama ko na para lang maka buo nang miski magkano man lang! Ang hirap nang walang pera! Napaka hirap!

Takot at nahihiya din naman akong mangutang. Kaya miski walang wala na talaga ako, iniiwasan at pinipilit ko din talagang hindi manghiram ng pera. On those rare instances naman na makapang hiram ako, sinisiguro kong the moment na magkaroon ako ulit ng pera, bayad lahat ng aking nautang. I remember dati, sa sobrang kagipitan ko, nag try akong mangutang na may tubo. Yung sinasanla ang ATM Card. Pero hindi ko pinapatagal. Ang usapan, kaltasin agad lahat ng utang ko pati interest kapag nagkaroon na nang laman ang ATM Card ko. That way, tapos na agad ang responsibilidad ko sa aking kapwa.

Minsan na rin akong nakapag sanla. Nakapag prenda na ako ng sing sing, bracelet, at kuwintas. Pero malas at pangit daw ang mag sanla. Parang totoo naman kasi napaka liit talaga nang appraisal pero ang laki naman ng tubo. Malulubog ka rin talaga sa lusak! Then yung item naman na isinanla mo, after a while bumababa na ang value. Natuto rin akong mag benta dati ng gamit. Kapag gipit na talaga, wala nang maisanla at wala nang mautangan, nag bebenta ako ng mga gamit ko na hindi ko naman masyadong pinapakinabangan. Nakapag benta na ako dati ng TV, CD and DVD Player, at Cellphone. Pero, malungkot din ang ganun kasi imagine, after mong ipundar, ibebenta mo lang din pala?

Siguro, dahil naranasan ko na rin ang sobrang maghikahos, kaya ginagawa ko ang lahat ng paraan ngayon para miski papaano ay hindi ko na ulit pagdaanan pa ang ganung kapighatian. Now, I really make sure na kung hindi man sobra sobra ang pera ko, at least I have enough. Yung tipong hindi ako kakaba kaba na bukas makalawa ay wala na akong ipang bibili nang pagkain. Yung tipong hindi ako maaaburido na ilang araw pa ang bibilangin bago ang susunod na suweldo. Siguro, dahil alam ko ang pakiramdam nang mawalan kaya nang may lumapit sa akin kanina para mag benta ng relo dahil talagang gipit na daw siya, miski na hindi naman talaga ako mahilig sa relo ay binili ko na rin.

Page 158

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s