CHAPTER THE SEVENTH

Mahiwagang Pamaypay

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Abril 12, 2014 at 3:29 hapon

20140412-152553.jpg
Day 102: ” MAHIWAGANG PAMAYPAY “.

Kailangan ko ngayon nang mahiwagang pamaypay! Mahiwagang pamaypay na kulay dilaw. Mahiwagang pamaypay na galing China. Yung may nakadrawing na bulaklak at dahon. Gusto ko dalawa yung bulaklak. Dapat yung isang bulaklak ay kulay pula, at yung isa naman ay kulay asul. At yung mga dahon, siyempre dapat ay kulay berde. Gusto ko nang mahiwagang pamaypay ngayon. Hindi bukas. Hindi sa makalawa. Ngayon na! Dapat ay ngayon na!

Gagamitin ko ang mahiwagang pamaypay. Gagamitin ko ang mahiwagang pamaypay para mawala ang init nang aking ulo. Mainit ang aking ulo dahil sa mga taong walang pakundangan! Mga taong walang habas! Mga taong walang konsensiya! Mga taong naka ngiti kapag kaharap mo pero naka akma namang mananaksak kapag nakatalikod ka na. Mga taong ginagamit ang kanilang katayuan para makapanlamang sa kapwa! Mga taong ang tingin sa kanilang sarili ay diyos! Diyos na ginagalang! Diyos na pinaglilingkuran! Diyos na inaalayan ng buhay!

Kapag hindi natanggal nang mahiwagang pamaypay ang init nang aking ulo, malamang, maghahanap na lang ako ng iba pang paraan upang kumalma at mawala ang aking galit. Baka lumapit ako sa isang mangkukulam o mangbabarang. Mangkukulam o mangbabarang na may matinding black magic! Palalakihin ko ang ilong ng mga taong may masamang ugali! Yung malaking malaki!

Pero hindi katanggap tanggap ang mag isip at mag plano nang hindi maganda sa kapwa! Miski na gaano pa kasama ang asal nang taong mapanglamang, dapat hindi natin sila pang isipan ng masama. Kaya naman, baka ipagdasal ko na lang sila. Ipag darasal ko na sana ay maunawaan nila na hindi naaayon sa batas ng langit ang kanilang mga masamang gawain! Ipagdarasal ko na sana ay magbago na sila! Sana!

Page 160

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s