CHAPTER THE SEVENTH

Wall Lamp

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Abril 14, 2014 at 5:50 hapon

20140414-174708.jpg
Day 104: ” WALL LAMP “.

Nagdala ako nang laundry duon sa bagong Laundry Shop sa kabilang street kaninang umaga. Then from there, dumiretso na ako sa Our Lady of the Miraculous Medal Parish. I just knew in my heart na duon ko makukuha ang photo of the day ko! Hindi naman ako nagkamali! Nakuha ko ang larawan na ito sa loob nang Adoration Chapel nang simbahan. Actually, I took several other photos which are equally as remarkable. May larawan ako nuong makulay na tiles nang sahig ng simbahan, yung altar na covered in purple cloth in celebration of lent, yung hilera nang upuan at luhuran, yung mga matatandang babae na abala sa pabasa, at yung rebulto nang sugatang Hesu Kristo na kalong kalong ni Birhen Maria.

Before lunch, my sister and I were both craving for hilaw na mangga again! Meron kasing ginisang bagoong alamang na niluto ni Manang. Pero wala namang gusto lumabas para bumili nang mangga kasi sobrang init sa labas! Nakakahilo! Talagang pagpapawisan ka! Anyway, we had Sweet and Spicy Fried Chicken and provincial style sinabawang gulay naman for lunch. Then may watermelon pa for dessert. Bawal daw kasi karne this week kaya asahan na daw na kung hindi manok ay isda at gulay ang food sa bahay sa buong linggo. Why not? I can live with that!

At around 4:00 this afternoon, I finally finished reading Harry Potter and The Sorcerer’s Stone. I must say, iba talaga ang pleasure na dala nang binabasa ang aklat kaysa sa pinapanood siya sa pelikula. Actually, ang totoo niyan ay may kakaiba din naman talagang saya at ligayang dulot yung panonood nang movie! Visually very delightful! Dinadala ka sa kakaibang mundo right before your very eyes. Pero, ibang iba parin talaga ang pagbabasa! Very magical! Very enriching! Wonderful experience talaga! Infact, simula nang nagbasa ulit ako, parang mas gumanda ang aking mga panaginip! Siguro dahil mas na si-stimulate ang aking utak!

Kapag sinipag ako at hindi naman gaano mainit bukas ay pupunta ako sa National Bookstore sa Araneta Center sa Cubao para bilhin na ang Harry Potter and the Chamber of Secrets! Excited na ako! Ang saya nang pakiramdam! Baka nga hindi na ako makatulog nito eh! Pero huwag naman. I need to sleep. I need rest. Pero, basta! Kailangan mabili ko na ang susunod na libro! Kailangan ko nang masimulan basahin ang kuwento sa ikalawang taon ni Harry Potter sa Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry!

While composing this post, Superman is currently playing on HBO. Pumanaw na at kalilibing lang nung adoptive father ni Clark Kent. I’m sure mayamaya lang madidiscover na ni Clark Kent na may kapangyarihan siya. Malalaman na niya na siya pala si Superman! Ayan na!

Nagluluto na si Manang nang hapunan namin. Nagpi-prito na siya nang Daing na Bangus. Yung binabad sa suka at bawang! Ang bango! May Kimchi pa sa ref! Masarap ipareha sa Kimchi ang Daing na Bangus! Sigurado, marami nanaman ang makakain ko nito.

Lunes Santo.

Page 162

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s