CHAPTER THE SEVENTH

National Bookstore

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Abril 15, 2014 at 4:10 hapon

20140415-160823.jpg
Day 105: ” NATIONAL BOOKSTORE “.

Dahil maagang dumaloy ang biyaya ng Panginoong Maykapal, nagawa at natapos ko naman ang mga bagay na tinakda kong gawin sa araw na ito! Nag simula ang aking araw sa pag sisigurado na ang lahat nang aking obligasyon sa aking kapwa ay naasikaso ko. Then, niyaya ko ang aking kapatid na babae na magpunta nang Cubao. Hindi ko na kailangang pilitin pa siya. Agad agad naman siyang sumama. Dumaan muna kami sa pagawaan ng relo. Pina adjust ko yung sukat nang relo na binili ko sa aking tiyuhin. After that, dumiretso kami sa Mercury Drugs, binili ko na ang lahat nang gamot na kailangan ko! Hindi na ako kailangang mamroblema pa sa susunod na 15 days. Then, pumunta naman kami sa National Bookstore sa Araneta Center. Binili ko na ang Harry Potter and the Chamber of Secrets! This is the best event of the day! Ang saya nang aking pakiramdam! Meron nanaman akong mababasa! Salamat sa Diyos!

From the Bookstore, nag lunch muna kami nang Sister ko sa Food Court nang Gateway Mall. I had T Bone Steak while my Sister had Razon’s Pancit Palabok. After lunch, diretso uwi na kami. Bumalik na kami sa bahay. Saglit lang akong nagpahinga then pumunta na ako sa Artista Salon para magpa manicure and pedicure. Favorite ko na ang Artista Salon sa P. Tuazon dahil nakuha ni Tonskie, the Hairdresser, yung gusto kong style sa gupit. Then lalo ko naapreciate ang nasabing branch nang Salon nuong nagpa pedicure ako sa kanila at natanggal nila yung ingrown ko na ilang buwan ding nagpahirap sa akin! Bravo talaga para sa Artista Salon along P. Tuazon in Project 4 Quezon City! By the way, dahil sa naka ilang balik na ako duon, friends na ang turing nila sa akin! I love it!

After nang manicure and pedicure ko, saglit muna akong naglagi sa Salon. Nakipag kuwentuhan muna ako kay Tonskie at duon sa Franchise Owner. Napagkuwentuhan namin ang hilig ko sa pagbabasa. Napag usapan din namin ang pagfa-franchise nang isang negosyo! Naging topic din namin ang pagpapatanggal nang cyst! Napansin kasi nila yung pasa sa aking kanang kamay. Nagpasa kasi yung area na pinagtusukan nang needle para ma aspirate yung Ganglion Cyst ko. Anyway, natuwa naman ako at may nakausap at nakadiskusyunan ako. Miss ko na rin kasi ang makipag usap nang tungkol sa Idea! Madalas kasi, puro Tao na lang ang topic! Small mind na yata talaga ako!

I left the Salon at past 3. May mga kailangan pa kasi akong gawin at tapusin. Gustong gusto ko pa sanang tumambay kaya lang wala nang masyadong maraming oras. From the Salon, dumiretso naman ako sa SaveMore. Namili na ako nang mga toiletries ko! I now have enough stock that would last me until the next payday! Then from the grocery, pumunta naman ako sa Laundry Shop. Binalikan ko na yung mga pinalabhan ko last Monday! Perfect naman kasi for pick up na lang naman din siya. Kaya hindi na ako gaanong nagtagal duon. After ko magbayad, umalis na ako agad. From the laundry shop, umuwi na ako. So now I am home!

Baka lumabas ulit ako mamaya. Gusto ko kasi kumain nang Pork Barbecue! Gusto ko rin nang Halo Halo! Maaga pala ako matutulog ngayong gabi. Maaga ang pasok ko bukas.

Holy Tuesday.

Page 163

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s