CHAPTER THE SEVENTH

Go Nuts Donuts

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Abril 17, 2014 at 3:54 hapon

20140417-155321.jpg
Day 107: GO NUTS DONUTS “.

Bago pa ako tuluyang mainis at bumigay sa galit ay nag desisyon na lang akong lumabas nang bahay. Wala namang magandang maidudulot ang puot sa puso lalo na kung ang pinag ugatan naman nang pagkasuklam ay mababaw din lang naman. Siguro, dapat ko lang talagang matutunan na tanggapin ang lahat nang tao sa kung ano talaga sila! Kung ano man ang kapintasan nila sa buhay ay hindi ko na problema pa. Tutal, bandang huli, hindi naman ako ang magdadala nang pasanin kundi ang mismong taong ayaw tulungan ang kanyang sarili! Enough said!

Wala talaga akong malinaw na plano kung saan pupunta! Pero dahil kailangan ko lumabas nang bahay para makaiwas sa sobrang muhi, ay sumige parin ako. Gusto ko sanang puntahan ang aking mga kaibigang sina Miss Piper at Miss Mamu sa Marikina. Pero naisip ko na baka hindi ko lang sila maabutan duon! Minsan kasi may mga lakad din sila at hindi naman sila parating nakalagi sa bahay! Naisip ko rin na pumunta na lang sa National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo or sa Santa Clara Church sa Katipunan, pero naisip ko na baka masyado namang maraming tao at baka siksikan pa! Lalo lang akong mairita. Naisip ko rin na baka duon pa ako abutan nang pagkahilo! Nagbabadya kasi ang sobrang init na panahon. Hindi ko kakayanin! Ang ending, sa Cubao ako napadpad.

Sarado ang halos lahat nang puwedeng pag galaan at pag tambayan sa Cubao tulad nang Ali Mall, SM, and Gateway Mall. Karamihan din nang kainan ay sarado! Nag crave ako nang Donuts! Baka sakaling dahil sa tamis nang Donut ay humupa ang ngit ngit na nararamdaman ko. Nang makita kong bukas ang Shopwise, bigla akong natuwa! Bigla akong umasa! Pumasok ako sa loob at lumabas ulit sa exit na malapit sa J.Co. Pero kabiguan ang bumungad sa akin Sawi! Sarado ang J.Co! Naglakad lakad ako sa may gilid. Tumingin tingin kung anong kainan ang bukas. Finally, I noticed a couple went inside Go Nuts Donuts! Sumunod ako! Dahil siguro sila lang ang bukas na makakainan sa lugar kaya maraming tao sa loob. Sa may bandang sulok, may nakita akong bakanteng upuan. I placed my order right away and approached the vacant seat! Agad akong umupo. Naghintay nang order. Dineliver din naman agad yung binili ko. Wala na akong sinayang na minuto! Agad agad kinain ko na ang aking Donuts! Somehow, naibsan bahagya nang Honey Glazed Donut, Bavarian Well Donut, and Iced Americano Coffee ang aking pagkamuhi!

Maundy Thursday.

Page 165

  1. Mahirap po talaga magtimpi lalo na kung stubborn yung tao. Kalma…Kalma… Nakakamiss ang donuts! Lol

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s