CHAPTER THE SEVENTH

Time Zone

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Abril 19, 2014 at 5:57 hapon

20140419-175558.jpg
Day 109: ” TIME ZONE “.

Before I went to bed last night, I knew that I set my cellphone to alarm at 12:45 AM! My shift this week kasi starts are 2:15 AM. Pero dahil sa hindi ko mapaliwanag na dahilan ay hindi nag alarm yung cellphone ko. Nang mapabalikwas at magising ako ay 1:45 AM na! Dali dali akong naligo at nag bihis! Wala nang patumpik tumpik pa! Nakaligo at nakapagbihis naman ako in 10 minutes! Mabilisan talaga! Pero hindi pa diyan nag tapos ang aking pagsubok! Halos 15 minutes din ako nag hintay bago makasakay nang FX papuntang Cubao! Halos walang dumaraan na sasakyan! Sobrang dalang! Pero infairness, pagdating ko naman sa Cubao, nakasakay naman ako kaagad papuntang Eastwood. But just the same, na late parin ako! I need to prepare myself! Sisipain na daw talaga ako sa trabaho! Remember, isang instance lang daw talaga nang tardiness ay wala na daw akong kinabukasan pa! Ayan na! Kahindikhindik! Karimarimarim!

Dahil naman sa sobrang dami nang calls from 3:00 AM to 8:00 AM, ay halos hindi rin ako nakapag adhere sa mga break scheds ko. It was 30 minutes past my lunch break na yata bago pa ako nakalabas para kumain. Ganun din halos ang nangyari during my two 15 minutes break! Lampas lampas na sa nakatakdang oras nang nakuha ko ang mga breaks ko! Then sumabay pa ang mga long calls! Grabe na talaga! Patay na ako sa adherence, patay pa rin sa AHT! Then dahil sa ayoko naman ma-overbreak, tiniis ko na lang na hindi mag bio break! Halos sumabog na ang pantog ko sa kakapigil nang pag ihi! Kapag na overbreak pa kasi ako ay talagang sisipain na daw talaga ako sa trabaho! Lubog na daw talaga sa lusak! Talagang daig pa daw sa isang hampaslupa ang magiging turing sa akin! Isang pulubi, hamak, kulisap!

Hindi na gaano maraming calls at around 10:15 AM kaya nakapag pa-meeting naman ang Boss ko! Marami siyang nai-discuss. Kapakipakinabang naman ang mga sinabi niya. Pina-wrap up na ang pagpupulong namin at around 11:00 AM. Then natapos naman ang shift ko nang 11:15 AM. Nakapag log out naman ako on time. Then since pumasok na si Billy at na miss ko naman ang mga kuwento niya tungkol sa Sementeryo, Motor, at mga hiwaga sa ilalim nang Tulay ay hinintay ko na rin siya. 1:00 PM naman ang end nang shift niya. Habang nag hihintay ay nakipag kuwentuhan muna ako sa iba ko pang mga officemates na sina Mon at Nel. Logged out na rin naman sina Mon and Nel at may hinihintay rin sila tulad ko. Napagkuwentuhan namin ang Boarding House, Kasal, Skype, Manila Hotel, at mga Mumurahing Motel sa Quiapo na tag 70 pesos for 3 hours!

Bandang 1:20 PM na nang makalabas kami nang building. Nakasakay naman kami kaagad ng jeep! Dumiretso kami ni Billy sa Cubao. Bukas na ang mga Malls kaya may napag galaan na kami. Pumasok muna kami sa Ali Mall, then tumawid papuntang SM, then tumuloy sa ShopWise. Nagyaya si Billy na kumain sa Paotsin sa Food Court nang ShopWise. Nuong simula, nakatayo lang talaga kami. Ang dami rin kasing tao sa loob! Katanghailang tapat kasi. Maiinit sa labas! Nagpapalamig ang mga tao sa loob nang Mall. May isang barkada ng mga matatandang babae pumapapak nang Nilagang Camote sa isang table na katapat na katapat kung saan kami nakatayo ni Billy. Hinihintay namin na bakantehin nila yung upuan. Pero mukhang seryoso ang pinag uusapan nila at wala silang balak umalis kaagad kaya nagtiis na lang kami. Hindi nag tagal ay mukhang naawa sa amin yung isang crew nang Paotsin kaya hinanapan at binigyan niya kami ni Billy nang upuan. Nakaupo na rin kami ni Billy at nakakain nang medyo maayos. Naging panghimagas namin ang kuwentong buhay ni Billy!

Niyaya ko si Billy na pumunta sa Gateway after we ate Sharksfin and Hainanese Rice at Paotsin! Duon ko gusto maghanap nang aking photo of the day! Bandang 2:30 PM na habang papunta kami sa Gateway kaya sobrang init na talaga! Marami naman akong nakunan na larawan sa Gateway! May larawan ako nung kisame nang Gazeebo, yung salamin na may bilog na chandelier, yung exhibit ni Pope John Paul II, yung ceiling nang sinehan, at iba’t ibang larawan sa palaruan. Medyo hindi gaano matao sa palaruan. Wala kasing pasok ang kabataang pinoy! Tumambay din kami saglit sa may escalator. Namataan namin si Kuya Pido na naka suot nang polo shirt na kulay orange, may ipinapasyal na batang naka suot nang polo shirt na kulay dilaw. Naispatan din namin sina Boy Kalembang, Inday Bota, and Totoy Mohawk. Then nakita din namin si Doktora, mukhang may hinahanap!

Black Saturday.

Page 167

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s