CHAPTER THE SEVENTH

Escalator

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Abril 21, 2014 at 3:58 hapon

20140421-155701.jpg
Day 111: ” ESCALATOR “.

Hanggang sa katapusan na lang sa office yung isa kong friend na si Miss Iwa. I will definitely miss her a lot! Malukungkot talaga ako kapag wala na siya! Isa kasi si Miss Iwa sa pinaka honest na taong nakilala ko. Wala siyang kaarte arte sa katawan. Wala siyang pretensions! Wala siyang drama sa buhay! Kapag pinakitaan mo siya nang maganda, higit pa sa doble ang ibabalik niya sa iyo. Tried and tested ko na rin ang patience niya! Hindi niya ako kailanman sinukuan. Miski may mga panahon na naging saksi rin siya sa matinding mood swings ko ay hinayaan lang niya akong maghasik nang kasungitan at pagkatapos naman nuon ay patuloy niya akong pinakasamahan nang maayos! Very humble din si Miss Iwa. Wala akong natatandaang pagkakataon na ipinagmayabang niya ang mga bagay na narating na niya, mga bagay na pagma-may ari niya, at mga bagay na kaya niyang gawin!

Ilang beses na kaming nag plano na lumabas, pero hindi matuloy tuloy! Laging may bulilyaso. Hindi nagkakatagpo ang aming mga schedule! Minsan ay muntik na kaming matuloy sa aming planong mag unwind, pero as usual, napurnada nang dahil sa pagbabago nang aming shift. Naging pang umaga na ako at pang gabi naman siya. Kaya naman nang sa wakas ay halos magtagpo ang aming schedule kanina, at nang siya ang inofferan din nang 2 hour lunch, agad agad ay niyaya ko na siyang mag lunch! Finally after a very long time ay nagkasabay nanaman ulit kaming mag lunch. Lumabas kami nang building at dumiretso sa Jollibee. Tulad nang aking inaasahan, super enjoy ako sa lunch namin together. Naaliw ako sa mga kuwento niya tungkol sa McFloat, Angel’s Burger, Indie Films, at mga hiwaga sa Subdivision!

Dahil nga dalawang oras naman ang lunch namin, matapos ang aming pag kain nang lunch sa Jollibee ay nagkaroon pa kami nang sapat na oras para dumaan sa Mini Stop at bumili nang toothpaste, pag usapan ang mga plano niya sa buhay, at umakyat sa escalator na ito na hindi umaandar kapag madaling araw!

Page 169

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s