CHAPTER THE SEVENTH

Sili

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Abril 23, 2014 at 3:42 hapon

20140423-154026.jpg
Day 113: ” SILI “.

May natitira pang isang maliit na container nang Kimchi sa ref, pero mukhang gagawa nanaman ulit si Manang ng kanyang makasaysayang signature dish! Pagdating ko kasi nang bahay kanina ay napansin ko na agad ang mga senyales nang napipintong Kimchi Making Activity ni Manang! May mga nakababad nanamang isang plangganitang Cabbage, may mga tinalupang isang mangkok na Bawang, at may mga naka handa nang isang platong Sili! Isang plato nang pulang pulang Sili! Wow ! Super anghang!

Napanood ko na si Manang habang gumagawa nang kanyang Award Winning na Kimchi! Huhugasan muna niya maigi yung mga Cabbage. Then she will drain the water off. Then lalagyan niya nang isang katutak na asin ang bawat dahon nung Cabbage. She will then leave the Cabbage with the salt overnight! The next day, huhugasan niya ulit yung mga Cabbage. Then ide-drain ulit yung tubig. While waiting na tumulo lahat nang tubig mula sa Cabbage, ibe-blender naman niya yung Bawang at Sili. Then lalagyan niya ng maraming maraming Chili Powder yung Bawang and Sili mixture! Then maghihiwa na siya nang dahon ng Sibuyas at ihahalo din niya sa kanyang mixture. Then kapag wala nang tubig yung Cabbage ay papahiran na niya yung mga dahon nang mixture nung binlender na Bawang at Sili with Chili Powder. Then kapag covered na nung pangpa anghang mixture ang lahat nang dahon nang Cabbage at ilalagay na niya ito sa malaking container. Tapos ay ipapasok na sa ref! After a week ay puwede nang kainin ang Kimchi ala Manang!

Masarap gawing Side Dish ang Kimchi sa mga piniritong ulam. Karaniwang kapartner siya nang Piniritong Liempo, Piniritong Manok, at Piniritong Tilapia! Minsan ko na rin siyang pinartner sa Daing na Bangus, Danggit, at Tuyo! Mamaya, after kong mai-publish ang post na ito ay magluluto ako nang Instant Noodles. Chicken Flavor. Then hahaluan ko nang Kimchi! Meron na akong Korean Noodles! Sarap!

Sana hindi umapoy ang bibig ko! Sana hindi umusok ang tenga ko!

Page 171

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s