CHAPTER THE SEVENTH

Unang Panahon

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Mayo 4, 2014 at 8:40 hapon

20140504-203816.jpg
Day 124: ” UNANG PANAHON “.

Buti na lang pala at sumama ako sa kapatid ko sa SM Megamall kaninang tanghali. Nadiskubre ko tuloy na meron palang mga Art and Antique Shop sa Level 4 nang naturang mall. Isang hilera nang naggagandahan at kamanghamanghang mga Art and Antique Gallery ang makikita duon. Nag enjoy talaga ako sa pagsuyod ko nang mga iba’t ibang exhibits! Tuwang tuwa ako sa mga paintings, sculptures, at sari saring antiques na nakita ko!

Isa sa mga naging paborito kong Art and Antique Shop ay itong Shop na may pangalang: Unang Panahon. Ang dami nilang mga bagay bagay na naka exhibit. Name it, meron sila! Mula sa mga lumang peryodiko, magazine, aklat, at komiks ay may makikita duon. Meron din silang mga lumang chess set, plaka, ponograpo, camera, electric fan, at telebisyon. Siyempre pa hindi mawawala ang mga lumang gamit pang bahay tulad nang lampara, upuan, plato, kubyertos, baso, kaldero, at takure. Naanduon din ang mga antique na suklay, at mga palamuti sa katawan. Meron din siyempreng mga sinaunang vase, paintings, at sculptures!

Kakaiba ang dating sa akin nang mga dark abstract paintings at mga antiques! May hindi maipaliwanag na hiwaga ang naidudulot sa akin nang mga lumang bagay. Gustong gusto kong nakakakita nang mga exhibits na nagtatampok nang mga bagay mula sa sinaunang panahon. Naiimagine ko ang simple, tahimik, at masayang buhay nang mga taong namuhay nuong nakaraang panahon kapag ako ay nakakakita nang mga lumang gamit. Sumisidhi ang aking pagnanais na sana ay nabuhay na ako nuong mga panahong hindi pa gaano kumplikado ang buhay.

Page 182

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s