CHAPTER THE SEVENTH

Kalapati

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Mayo 5, 2014 at 9:51 hapon

20140505-214933.jpg
Day 125: ” KALAPATI “.

Maaga pa lang ay nasa Saint Pio Church na ako sa Eastwood Libis. May usapan kaming magkikita duon nang isang kong kaibigan. May mahalagang lakad kami nang nabanggit kong kaibigan at kailangan namin nang basbas ng Panginoon. Naniniwala kaming dalawa na sa pamamagitan ni Padre Pio ay mas mapagbibigyan at maririnig ang kahilingan nang aming puso. Nagkaroon ako nang mahabang oras at pagkakataong upang makausap mabuti ang Amang siyang lumikha sa langit at lupa. Naging makatotohanan ako sa aking mga kahilingan. Inamin ko sa Panginoon, ang totoo kong nararamdaman. Wala akong itinago sa kanya. Ipinagkatiwala ko sa kanya ang mga mangyayari sa araw na ito at sa mga susunod pang mga araw. Paglabas ko nang Saint Francis of Assisi Prayer Room ay nakita ko ang kalapating ito. Lumapit ako sa kanya para kunan siya ng larawan. Hindi siya gumalaw. Hindi siya natakot. Hindi siya natinag. Tumayo lang siya at hinayaan akong siya ay makunan nang larawan. Napansin kong mistulang nakatingin din sa akin ang kalapati. Tila ako’y kinakausap at nagsasabing: ” Magtiwala ka at huwag kang mag-alala. ”

Page 183

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s