CHAPTER THE SEVENTH

Maria Luningning Sinagtala

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Mayo 7, 2014 at 8:24 hapon

20140507-202213.jpg
Day 127: ” MARIA LUNINGNING SINAGTALA “.

Kapitbahay ko itong si Maria Luningning Sinagtala. Umuupa siya nang isang unit duon sa apartment na katapat lang ng bahay namin. Hindi naman kami gaanong close, pero madalas, kapag nagpapahangin ako sa labas ng bahay, nilalapitan niya ako at nagkukuwentuhan kami. Madalas niyang ikuwento sa akin ang tungkol sa kanyang love life. Kaninang hapon, nuong medyo malilim na, lumabas ako nang bahay para sana maghanap nang magandang subject ko para sa aking photo of the day, but before pa ako makalayo ay nilapitan na ako ni Maria Luningning Sinagtala at nag simula ulit siyang magkuwento.

Naibahagi niya sa akin ang kanyang masalimuot na kuwentong pag ibig. Ayon sa kanya, sobrang na inlove daw siya sa isang straight guy na gusto na niya sanang iwasan. Naikuwento pa niya na itong lalaki daw ay hindi gaano mataas ang napag aralan at parating umaasa sa kanya sa usapang pera. Ilang beses na rin daw niyang nahuli na gumagamit nang ipinagbabawal na gamot ang lalaking kanyang sinisinta. Naidagdag pa niya na naniniwala naman daw siyang tunay na pagibig ang namamagitan sa kanila nung lalaki sapagkat wala naman daw karelasyong babae yung lalaki. Siya lang daw talaga ang tanging mahal. Hindi naman daw siya ikinahihiya. Hindi raw umiiwas ang lalaki na makita silang magkasama.

Matapos ang medyo may kahabaang kuwento, humingi nang advice sa akin si Maria Luningning Sinagtala. Tinanong niya ako kung true love daw ba talaga ang namamagitan sa kanila nang kanyang Lover Boy at kung meron daw ba talagang Straight Guy na talagang na iinlove sa mga Gay. Simple lang ang naging sagot ko. Sinabi ko sa kanya na hindi ako naniniwala na tunay na pag ibig ang namagitan sa kanila nung lalaki. Ipinaliwanag ko na walang tunay na lalaki ang magkakagusto sa isang Gay. Idinagdag ko pa na kung Bisexual or Gay din yung lalaki ay baka sakali pa. Ang huli kong sinabi kay Maria Luningning Sinagtala ay: ” Kung magmamahal ka nang Straight Guy, expect na pera pera lang ang usapan diyan “.

After kong maibahagi ang aking saluobin, nag buntong hininga si Maria Luningning Sinagtala at tumingin sa akin. Halatang hindi niya gaano nagustuhan yung sinabi ko. Napansin kong medyo may luha ang kanyang mga mata. Then sabi niya: ” Napaka negative mo naman! Pera pera lang ba talaga? So, ibig mong sabihin walang puwedeng magmahal sa akin? ”

Ngumiti na lang ako at sinabing: ” Huwag kang maghanap nang Straight Guy. ”

Page 185

  1. Ang harsh ng advice mo pramis hahahahaha.

  2. anung sumunod na kabanata? parang nabitin e.😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s