CHAPTER THE SEVENTH

Balut

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Mayo 8, 2014 at 6:58 hapon

20140508-185652.jpg
Day 128: ” BALUT “.

Maaga akong gumising. Mga bandang 8:00 AM. Kumain lang ako nang dalawang sandwich na may palaman na Cheezee Spread para sa almusal then naligo na ako kaagad. At around 8:30, I was on my way to Eastwood. Pumunta ako ng Borough Medical Center. May importante akong sadya sa naturang clinic! Dahil wala namang traffic, I was in Eastwood already at quarter to nine. Pagdating ko nang Borough, dumiretso na ako agad sa sadya ko. Wala pang 15 minutes, na accomplish ko na ang ipinunta ko duon. Naghihintay na ako nang elevator pababa sa 2nd floor at around 9:00.

From Eastwood, sa Pelaez Street na ako bumaba. Hindi na ako dumiretso pa sa Cubao. Nagmamadali akong makauwi. Ayokong maabutan ng sobrang init! Gusto ko ay nasa loob na ako ng bahay bago pa tumirik ang araw! Anyway, pagdaan ko nang Pelaez Street, nakita ko ulit si Manong na Magtataho! After a very long time, nagtagpo ulit kami! Naanduon siya sa usual niyang puwesto. Sa gilid nang tindahan ng peryodiko. Malayo pa lang, sumenyas na ako kay Manong. Alam na niya kaagad kung paano ipe-prepare ang aking taho. Alam na ni Manong na yung malaking baso ang order ko. Alam na rin niya agad na konting arnibal lang ang ihahalo at dadamihan naman ang sago!

I was home at quarter to 10. Naabutan kong nakikipagharutan yung sister ko sa mga alaga naming mga aso. Obviously, kadarating lang din niya galing trabaho. Dumiretso ako kaagad sa taas. Sa kuwarto ko. Kailangan ko pa kasing mag mala akyat bahay gang para mabuksan yung pintuan ng room ko. Naiwan ko kasi sa loob yung coin purse ko na pinaglagyan ko rin nang susi. Kailangan kong umakyat nang hagdan, dumungaw sa makitid na siwang nang kuwarto, at gumamit nang panungkit para makuha yung coin purse! Ang hirap! Tagaktak yung pawis ko! Pero, okay parin naman kasi and ending nakuha ko rin naman yung coin purse at nabuksan ko ang kuwarto ko!

Lunch was at 11:30. Nilaga yung ulam. Nabusog ako. Then for dessert, hinog na mangga! Wonderful! My sister went to bed na after lunch. Then umalis father ko. Ako lang naiwan sa bahay. Panonood lang nang TV ang inatupag ko. Nuod ako ng Nat Geo. Saglit akong naidlip. Then kain ulit ako ng sandwich. Then nuod nang Survivor Cagayan. Naanduon parin si Tony! Siya yung naka kuha ng advantage sa Auction. Dalawa na yung immunity niya. Nanalo si Spencer sa Immunity Challenge kaya hindi siya na vote off. Pero natanggal na si Tasha. How sad! Oh well, favorite show ko ang Survivor! Ang sarap panoorin kung paano magstrategize ang mga tao para lang makaisa at makapang lamang sa kapwa.

Nag shower ako bandang 4:30 PM. Guminhawa naman nang bahagya ang aking pakiramdam. Sobrang init kasi talaga. Pati yung ihip nang hangin ay mainit din. After ko maligo, lumabas ako ng bahay. Naghanap ako nang mamimiryenda. Wala pa yung nagtitinda ng Fishballs. Ayoko namang lumakad pa nang malayo para sa Ihaw ihaw. Kaya ang ending, pumunta ako ng SaveMore at bumili nang Oishi Ridges Cheese Flavor Potato Chips and Jelli Yum Lychee with Nata de Coco. On my way back home, may nakita akong isang Manong. Naka wheelchair. Nagtitinda siya ng Kropek at Balut. Hinintay ko siya. Nung nasa tapat na siya ng bahay, tinawag ko siya, at lumapit ako. Bumili ako nang dalawang Balut.

Page 186

  1. ang mahal na ng balut ngayon😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s