CHAPTER THE SEVENTH

Cheese Pancake

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Mayo 10, 2014 at 3:29 hapon

20140510-152533.jpg
Day 130: ” CHEESE PANCAKE “.

My day started early today. I was already up at around 7:00 AM. Binanlawan at sinampay ko muna yung mga laundry na binabad ko last night, then afterwards ay naligo na ako. Marami akong mga kailangan asikasuhin! Mga papeles na kailangang ayusin. Mga documents na kailangan ipa-photocopy. At mga requirements na kailangan i-prepare. At around 9:45 AM, I was on my way to Cubao already!

Sarado pa ang Ali Mall pagdating ko nang Cubao kaya nag stay muna ako sa 7 11 at bumili nang Mogu Mogu Lychee Flavor. I made sure na nakuha ko yung pinaka malamig sa ref! Talagang hinawi ko lahat yung mga nasa unahan para makuha yung pinaka malamig sa pinaka dulo! The best kasi ang Mogu Mogu Juice Drink kapag talagang malamig eh. Anyway, sapat lang yung oras na maubos ko yung Mogu Mogu bago nag simulang magpapasok sa loob nang Ali Mall. Tiyempong huling lagok ko ay siya ring pagsisimula nang pag sugod nang mga tao sa loob ng Mall.

Dumiretso ako sa Photoline. Kailangan ko kasi nang dalawang kopya ng 1×1 and tatlong kopya nang 2×2 picture with white background. Dahil ako ang buena mano, naasikaso naman ako kaagad. After ko makapili nang package at nang wardrobe ay proceed na ako kaagad sa photo shoot! Nakakatuwa naman. Saglit lang ay tapos na ang kuhaan nang larawan. Puwede ko sanang hintayin yung mga larawan ko kasi 30 minutes lang naman daw. Pero dahil wala silang panukli sa 100 pesos at 80 pesos lang naman ang ibabayad ko ay nag desisyon akong balikan na lang yung mga pictures.

Hindi na ako nag aksaya pa nang oras. From the photo studio ay pumunta naman ako sa National Bookstore. May mga ipina photocopy ako. Dalawang kopya nang Resume, tatlong kopya nang Birth Certificate, dalawang kopya nang SSS ID. Tag iisang kopya nang Resignation Letter, Clearance, Transcript of Academic Records, and Certificate of Graduation. Miski na may konting tao na sa pila ay natapos din naman ako kaagad. Mabilis din lang naman, kasi yung mga nauna sa akin ay tag iisang kopya lang naman ang mga ipina photocopy nila. Then mabilis din yung kahera miski mag isa lang siya. Hindi pa kasi gaano marami ang mga nagbabayad.

Next stop, Pancake House! Kailangan ko na rin naman kasi nang pang pa-good mood. Medyo kumukulo na rin naman kasi ang tiyan ko at ilang araw na rin akong nag ke-crave nang Pancakes kaya wala nang dalawang isip pa, diretso na ako sa aking favorite place to be! Umorder ako nang Bottomless Iced Tea and siyempre pa ang aking paboritong Cheese Pancake! Three pieces talaga! Walang habas! Medyo may katagalan lang akong naghintay para sa order ko, pero understandable naman kasi kabubukas din lang naman nila! Good thing that while I was waiting, sagana naman ako sa Iced Tea. Panay panay naman ang refill nung waiter sa baso ko. When my Cheese Pancake was finally served, nakalimutan ko na ang lahat nang pighati sa mundo. Super good vibes talaga! Ang saya talaga ng buhay! Pray, hope, and don’t worry!

Page 188

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s