CHAPTER THE SEVENTH

Crunchy Tacos

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Mayo 11, 2014 at 8:36 hapon

20140511-203513.jpg
Day 131: ” CRUNCHY TACOS “.

Dahil Mother’s Day ngayon, sobrang dami daw nang nag avail nang promo para sa Foot Spa, Pedicure and Manicure sa Nailsdotglow sa Farmers Plaza sa Cubao. Actually, puno nga yung shop! Lahat nang upuan ay occupied. Magpapapedicure sana kami ng sister ko, pero dahil lahat nang Manikurista nila ay busy sa kaka kudkod nang kuko, kailangan pa naming maghintay. One hour daw na paghihintay ayon sa aligagang Receptionist.

Imbes na tumunganga na lang ay nag decide kami ng Sister ko na kumain muna habang naghihintay. Nagyaya yung kapatid ko sa Pizza Hut, pero hindi naman namin makita yung Pizza Hut sa Farmers Plaza. Flavors of China na lang sana, pero sarado na rin yung place. Mukhang nalugi. Sayang! Game na sana ako sa Karate Kid kasi may nakita akong Sushi at Sashimi, pero pagpasok namin sobrang init naman sa loob. Mahina yung aircon. Kaya ang ending, iniwan namin ang Farmers Plaza at pumunta na lang kami sa Gateway Mall.

Nauwi kami nang Sister ko sa Taco Bell. Umorder ako nang Crunchy Tacos with French Fries and Large Pepsi. Yung kapatid ko naman ay bumili nang Quesadilla, Crunchy Tacos, French Fries and Regular Pepsi. Siguro dahil hindi naman ako gaano gutom kaya medyo hindi ako natuwa sa Crunchy Tacos nang Taco Bell. Sa pakiwari ko ay parang pangkaraniwan na lang ang lasa niya. Hindi na siya gaanong outstanding. Dati kasi, nuong hindi ko pa nasusubukang kumain sa Army Navy ay very wonderful talaga ang dating sa akin ng Taco Bell. Kapag Crunchy Tacos ang paguusapan, talagang Taco Bell lang dapat. Pero ngayon, dahil may comparison na, Army Navy is the place to be kapag Crunchy Tacos ang hanap nang panlasa ko!

Anyway, marami kaming napagkuwentuhan nang Sister ko while at Taco Bell. Napag usapan namin yung mga munti naming mga pangarap dati. Napag kuwentuhan din namin ang mga choices at mga desisyon na ginawa namin sa buhay. Wonderful conversation talaga! Dahil sa pag uusap na iyon, naging malinaw sa akin ang isang bagay. Sa bagong yugto nang buhay na aking sisimulan, alam ko na kung ano ang magiging motivation ko! Alam ko na kung bakit ko dapat gawin ang mga gagawin ko! Alam ko na kung bakit ko kailangan maghanap buhay! Now I know!

Oh well, bumalik kami sa Farmers Plaza after an hour. Akala namin ay puwede na kami ma-accomodate sa Nailsdotglow, pero marami paring mga customers. So, nag hanap na lang kami nang ibang shop. Duon sana kami sa Pinoy Pedicure pero waiting din daw! Two hours pa! Papatulan ko na sana yung paghihintay kaya lang may nakita akong isang taong nakaka bad vibes kaya escape na lang agad! Then pumunta naman kami sa Gandang Ricky Reyes, pero wala daw silang Pedicure lang. Kailangan daw Foot Spa. So, nag ikot nanaman kami. Then siguro naawa na sa amin yung Receptionist sa Nailsdotglow kaya nirefer na lang niya kami sa katabi nilang Barber Shop.

Kencyr Barber Shop for Men and Women ang name nung place. Duda ako nuong una sa lugar. Para kasing puro lalaking Barbero naman yung nakita ko. Nag wonder tuloy ako kung sino ang mag pe-pedicure. Pagpasok namin sa loob, duon ko na nakita yung mga babaeng Manikurista! Ayun naman pala. Meron naman palang mga magpepedicure. So wala nang patumpik tumpik pa, may lumapit na sa amin mga Manikurista, sinimulan na ang pagkudkod nang kuko! Pinakiramdaman ko maigi yung nagasikaso sa akin. Aba, magaling! Almost perfect siya! Talagang nilinis niya maigi ang aking kuko! Walang murder! Panalo!

Page 189

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s