CHAPTER THE SEVENTH

Government Center

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Mayo 13, 2014 at 9:08 hapon

20140513-210620.jpg
Day 133: ” GOVERNMENT CENTER “.

May natanggap akong isang kahindikhindik at nakababahalang text message from the office last night. Kailangan ko daw pumunta sa clinic para maidiscuss sa akin ang resulta nang aking medical exam. Medyo nag worry ako. Pero alam ko naman that God is in control kaya pinilit kong wag masyadong mag isip. Wala naman din kasing naidudulot na maganda ang pag aalala.

Dahil sa text message na natanggap ko ay naiba bigla ang aking plano for today. Imbes na dumiretso na ako kaagad sa Robinson’s Metro East at katagpuin ang aking bagong officemate na si Farg para sabay kaming kumuha nang NBI Clearance ay kailangan ko pa munang dumaan sa Clinic nang Office. At yun na nga ang aking ginawa.

At around 9:45 AM, I was on my way to the office na. Nag meet muna kami ni Gee Ann sa labas ng building bago kami sabay na pumasok sa office. Mas nakakarelax kasi talaga kapag alam mong may kasabay kang sasabak sa laban at hindi ka nag iisa. By the way, si Gee Ann ay isa rin sa mga bago kong officemate na nakatanggap din nang sobrang nakakabahalang text message.

Eksaktong 10:00 AM nuong makarating kami ni Gee Ann sa office. May mga naabutan kaming ilang mga kasabayan namin nuong orientation. Sila rin ay pawang mga naka tanggap nang text message. Mas maaga silang dumating kesa sa amin. Nakapila na sila. Dahil nagkakilanlan na kami during the orientation ay sige na kami sa kuwentuhan. Kanya kanyang hinala kung bakit kami pinabalik.

May mga ilan pang mga dumating at sama sama kaming nag hintay sa lobby. Hihihintay namin ang pagdating nung Company Doctor. Ang sabi kasi sa text message, from 10:00 AM to 11:30 AM daw ang appointment sa Doctor. Matagal kaming naghintay. Siguro mga isang oras din mahigit. Nang mainip na yung babaeng nauuna sa pila, nagtanong na siya sa Guard. Duon lang sinabi nung Guard na pumasok na siya sa loob ng Clinic dahil naanduon na daw yung Doctor. Nang tanungin nung isang lalaki na kasabay namin kung anong oras dumating yung Doctor, ang sagot nang Guard ay: “10:01 po.” Sabay sabay kaming nagkatinginan at natawa.

Isa isa na kaming pumasok sa clinic. Pang lima ako sa pila. Yung babaeng nauna, repeat CBC daw ang nirequest siya. Yung lalaking sumunod, na Anthony ang pangalan ay medyo nagtagal sa loob. Paglabas niya, ang dami niyang dalang reseta at request. Then since tapos na siya, nagkuwentuhan na kami. It turned out kasi na galing din pala siya sa same company na dati ko ring pinagtrabahuhan.

Anyway, hindi ko na napansin yung pangatlong lalaki na pumasok sa clinic. Busy na kasi ako sa pakikipagkuwentuhan kay Anthony. Si Gee Ann naman na pang apat sa pila ay repeat Urinalysis naman daw ang dapat gawin. Then finally, ako na! Just as I suspected, dahil nga sa resulta nang BP Test ko. Masyado daw mataas ang aking presyon. Obese na daw ako at kailangan ko daw mag bawas ng timbang. Ang ending, pinag commit ako na mag diet at magpamonitor nang BP two times a day for 1 month. Ayan na! Grabe na talaga!

Hindi na namin hinintay pang matapos ang lahat. Umalis na kami ni Gee Ann after nang consultation ko sa Doctor. Sumama na sa amin si Anthony. Mukhang nawili sa mga kuwento ko. Sabay sabay na kaming tatlo na nag asikaso nang aming Payroll Account sa Metrobank. Sinamahan ko na rin si Anthony na ipaulit yung isang test. After nung repeat test ni Anthony, niyaya niya ako na asikasuhin ko na ang aking NBI Clearance. Sasamahan daw niya ako sa Robinson’s Metro East. Pumayag ako. Hindi na sumama sa amin si Gee Ann papuntang Cainta.

Sobrang init on our way to Robinson’s Metro East. Tagaktak talaga ang pawis ko! Sobrang alinsangan nang panahon, pero tiniis ko talaga! Naisip ko kasi na kailangan ay marami akong ma-accomplish today! So, sumakay na kami nang Tricycle na Special Trip para mabilis. Wala pang 15 minutes ay nasa Robinson’s na kami. Diretso kami kaagad sa 4th floor. Umaasa na maka abot pa sa cut off. Pero hindi ako gaano pinalad kasi pagdating namin sa NBI, sobrang dami parin ng tao at ang sabi nung guard ay tapos na daw ang cut off. Sayang! Pero ayoko masayang ang ipinunta ko duon kaya dumaan na rin ako sa Phil Health na katabi lang ng NBI. Hindi naman ako na dismaya kasi wala pang limang minuto ay may bago na akong Phil Health ID.

Nanglibre nang lunch sa KFC si Anthony. Very generous naman siya! Nakakatuwa! Bilang kapalit ay talagang ibinuhos ko na ang aking mga eksklusibong, ekplosibong, expose! Walang habas akong nagbahagi kuwento! Since galing kami sa parehong kumpanya dati, marami kaming common friends. Ang saya!

After lunch, kanya kanya na kami ni Anthony. Umuwi na siya at ako naman ay nag decide na dumiretso pa sa Cubao. Maaga pa kasi at sayang ang araw. Kailangan ay makarami ako nang maa-accomplish!

First stop ay SSS. Duon ako sa Cubao EDSA Branch pumunta. Diretso ako kaagad sa Receptionist. I briefly explained what I needed. Walang sabi sabi, binigyan niya ako nang maliit na form, at binigyan nang options kasabay ng malinaw na instructions kung ano ang dapat kong gawin. Sinunod ko ang sinabi nung Receptionist. Dumiretso ako sa Window 19. Very accomodating din naman yung Clerk sa Window 19 na nag assist sa akin! The Clerk clearly explained to me what I needed to do next. Natapos ang sadya ko sa SSS in less than 10 minutes. Perfect!

Nag Pit Stop ako saglit sa Excel Computer Shop sa SM Cubao. Kailangan ko kasi magpalit nang SSS Online Password ko. Then inasikaso ko na rin yung online application ko for NBI Clearance. Para bukas ay saglit na lang ako.

Anyway, nang matapos ko na ang aking NBI Clearnce online application ay dumiretso na ako sa aking next stop, ang Alimall Government Center! May kailangan din kasi akong asikasuhin sa Pag-Ibig. Pagdating ko duon, may mga ilang tao pang nakapila. Pero ilang saglit lang din naman ang ipinaghintay ko. Maagap din naman akong inasikaso nung isang Clerk. After ko maipaliwanag ang kailangan ko ay in-assist ako papasok sa loob nang office nila at pinaupo muna sa isang sofa. Malinaw na ipinaliwanag sa akin kung ano ang mga dapat kong gawin. After a while, nakaharap na ako sa computer at nagsisimula nang mag update nang aking info. Ilang minuto rin akong humarap sa computer. Then nung matapos na ako ay agad din namang ipinrint nung Clerk yung form ko! Outstanding!

I’ll be very honest! Dahil sa very positive experience ko ay nabago talaga ang pagtingin ko sa mga empleyado nang mga Government Centers ngayong araw na ito! Very polite sila! Very efficient and very accomodating! Totoo ba ito? Sana ma-sustain nila ang kanilang mga magandang gawi. Sana ay tuloy tuloy na ang kanilang mainam na paglilingkod sa taong bayan. Good job talaga ang Phil Health, Pag-Ibig, and SSS! Outstanding talaga sila! Sana perfect din ang NBI. Malalaman ko bukas!

Page 191

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s