CHAPTER THE SEVENTH

Gone too soon

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Mayo 14, 2014 at 5:36 hapon

20140514-173440.jpg
Day 134: ” GONE TOO SOON “.

Kelan lang ay ipina groom pa namin si Tyra. Pinagupitan siya nang Summer Cut and pina injectionan pa para laging healthy. Everything went well naman after that last routine visit to the Vet. Infact, mukhang naging mas masigla pa nga siya kasi maikli na ang buhok niya at hindi na siya gaano naiinitan. Pero ilang araw na naming napapansin na parang bigla na lang siyang tumamlay. Ayaw na niyang kumain. Akala naman namin ay normal lang. Dati pa naman kasing kaunti lang kung kumain si Tyra. Then, kahapon kapansin pansin na ang sobra niyang panghihina. Nadala pa siya sa Vet. Binigyan nang gamot at ini-schedule pa for a follow up. Pero, mukhang bumigay na si Tyra. She was found lifeless this morning. Tyra is gone too soon.

Tyra was born on November 26, 2013. Seven silang magkakapatid. Siya ang bunso at ang pinaka maliit sa lahat. Halos kalahati lang ang sukat niya kung ikukumpara sa mga kapatid niya. Dahil sa liit niya, madalas hindi siya nakaka breast feed sa Mommy niya na si Whitee. Nauunahan siya parati nang mga mas malalaki sa kanya. As a solution, para sure na makaka inom siya parati ng milk ng Mommy niya, ay hinihiwalay namin siya from the rest of her siblings and sineseclude namin siya together with her Mommy para may one on one session sila. Kapag ayaw na magpa breast feed ni Whitee, ipinagtitimpla siya ng Milk Formula then ipinapainom gamit ang dropper.

Lumaking napaka malambing ni Tyra. Kapag dating kami from the office, asahan mong tumatakbo na iyan at sasalubungin na kami from the door. Kinakagat kagat niya ang sapatos namin or ang paa namin, nagpapapansin! Titigil lang siya kapag kinarga na siya. Madalas din, pinaglalaruan niya ang mga slippers namin. Mahilig siyang magtago nang mga tsinelas. The moment na makita niya ang tsinelas na naka hubad sa paa mo, umasa ka na talagang paglalaruan niya iyon at itatago.

Nuong dumating sa bahay yung isa pang puppy na si Bet Bet, mukhang nag selos si Tyra. Kapag binubuhat namin si Bet Bet, lalapit din siya at tatalon talon. Gusto din niyang magpabuhat. Hilig din ni Tyra ang tumabi sa amin kapag nakaupo kami sa sofa. Talagang tatalon siya at uupo katabi namin. Isisiksik at isusubsob talaga niya ang sarili niya sa gilid. Hobby din ni Tyra ang magpakamot ng tiyan. Kapag kinamot mo na ang tiyan niya, talaga namang ise-spread out pa niya ang paa niya at ilang segundo pa mapapansin mong natutulog na siya.

Now that Tyra is gone, wala na akong bubuhat buhatin. Wala na rin akong katabi sa sofa. Wala na akong kakamutan ng tiyan. Wala na kaming baby! How sad. I will surely miss her.

Page 192

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s