CHAPTER THE SEVENTH

Saturday

In Mga kuwento nang aking pusong nag sisenti on Disyembre 27, 2014 at 7:33 umaga

image

SATURDAY! Wala akong pasok ngayon pero as usual, alas dos pa lang ng madaling araw ay gising na ako. Gusto ko sanang ipagpatuloy yung pagbabasa ng A Little Princess by Frances Hodgson Burnett na pansamantala kong isinantabi, pero nakaramdam ako ng matinding gutom. Kahapon pa ng 5:00 PM yung huling kain ko. At isang Hash Brown lang din naman yun. So, driven by hunger, dali dali akong naligo at lumabas ng bahay para makahanap ng makakainan.

Gusto ko sanang i-try yung Pares dun sa bagong bukas na Pares House sa may 20th Avenue sa Cubao, pero pagdating ko duon ay sobrang dami ng tao kaya umatras ako. Next, naisip kong mag Pancakes sa Jollibee pero naalala ko na 4:30 AM pa pala ang start ng Breakfast Meals nila. Wala pang alas tres! Matagal pa akong maghihintay. So, naisip kong kumain na lang ng Goto! Dumiretso ako sa Shammy’s Goto House sa Project 2.

Sa dalas kong kumain sa Shammy’s ay kilala na ako ng mga Crew duon. Alam narin nila ang madalas kong orderin. Kaya nuong dumating ako duon, tinanguhan ko na lang yung isang Waiter at naghanap na ako agad ng mauupuan. At wala pang limang minuto, dumating na yung Double Goto with Puso and Mountain Dew ko.

Hindi naman ako nagmamadali kaya nimamnam ko ang bawat subo nang aking mainit at masarap na Goto! I also took the time to observe the people around me. Apat na table yung occupied. One being mine. The table to my right was occupied by a group of five people. Isang bading na long hair – na siyang sponsor ng kainan, isang babae, at tatlong lakaki. Super demanding yung mga boys kay Beki pero dahil mukhang nag papaimpress si Ate ay game na game naman siyang gumastos!

The table to my left was occupied by a middle aged couple. Tahimik silang kumakain. Kanin, adobo, at pansit kanton ang inorder nila. Then the table right infront of me was occupied by two twentyish better looking guys! Hindi ko agad napansin yung dalawa pero nuong nagbayad na sila ng kinain nila duon ko napansin na nakatingin yung mas maliit duon sa dalawa. Tumingin din ako siyempre. Then napansin ko na tumitingin na rin yung mad matangkad. Tumingin din ulit ako. Ngumiti sila, ngumiti din ako. Lumabas na sila at humabol ng tingin. Sinundan ko rin ng tingin. Tumango yung mas matangkad. Sumesenyas na sumunod ako. Hindi na ako sumunod. Sayang yung Goto!

After ko kumain, nilakad ko na lang pabalik sa bahay. May halos 10 minutes din akong naglakad. Masarap naman yung pakiramdam. Pinawisan ako. Balak kong bumili nang maayos na shoes. Gusto kong gawing regular ang paglalakad as my exercise!

Sarado pa yung gate pagdating ko sa bahay. It’s almost 6:00 AM na rin naman and I know ilang minuto na lang at magigising na sila. I didn’t bother na mag doorbell pa. Nag hintay na lang muna ako sa labas. Hinintay kong magliwanag. Hinintay ko ang pagsikat ng araw!

Page 194

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s