CHAPTER THE SEVENTH

Linggo

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Disyembre 28, 2014 at 9:51 umaga

image

LINGGO! Aaminin ko, hindi ako madalas mag simba! Bilang na bilang ang mga pagkakataon na talagang darayuhin ko ang simbahan para lamang makinig sa misa. May napaka personal akong dahilan kung bakit hindi ko nakaugalian ang pakikinig nang sermon ng Pari!

Ang hindi ko pag simba ay hindi rin naman nangangahulugang hindi ako naniniwala sa Diyos. Sa katunayan, malaki at maigting ang paniniwala ko na may isang maunawaing Ama sa langit na siyang gumagabay at nakikinig ng bawat panalangin natin.

Madalas akong mag dasal. Hindi man sa loob nang Simbahan, nananalangin ako kapag ramdam ko ang presensiya ng Diyos. Sumasambit ako nang panalangin kapag dama ko na handa ang aking puso na makipag ugnayan sa Diyos.

Madalas kong kausapin ang Diyos. Siya ang takbuhan ko sa mga panahong pakiramdam ko ay wala akong malalapitan. Siya ang pinagsusumbungan ko nang aking mga dalamhati sa buhay. Siya ang hinihingian ko nang tibay at lakas kapag pinanghihinaan na ako ng loob! Siya, sa pamamagitan ng kanyang mga banal na mensahe at milagro, ang dahilan kung bakit hanggang ngayon at patuloy parin akong nakikipagbuno sa laban ng buhay!

Hindi ko kailangang maging taong simbahan upang maging malapit sa Diyos. Hanggat may sinseridad ang ating puso, alam kong nakikinig ang ating Ama sa bawat panalangin nang bawat isa sa atin.

Page 195

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s