MARTES! I need time. Ayoko maistorbo! Ayoko maabala! Ayoko lumabas! Ayoko magsalita! Ayoko kumain! Dito lang muna ako sa loob ng aking madilim na kuwarto! Matutulog. Magpapahinga. Magmumunimuni. Pipiliting maibalik ang nawalang galak sa aking puso!
Sa dalas na mangyari ang mga araw na tulad nito, alam ko na miski papaano kung sa anong paraan ko maibabalik ang katinuan sa aking pagiisip. Sa anong paraan ko maibabalik ang tiwala sa aking kapwa. Sa anong paraan ko mahihilom ang aking sugatang dangal. Ang aking sugatang pagkatao.
Kailangan ko lang nang miski konting panahon na mapag-isa!
Mamaya, kapag kalmado na ako, ipagpapatuloy ko ang pagbabasa nang kuwento ng Munting Prinsesa!
Page 197