CHAPTER THE SEVENTH

Goodbye 2014

In Mga salaysay nang aking pusong nag babalik tanaw on Disyembre 31, 2014 at 11:41 umaga

image

GOODBYE 2014! Hindi masyadong naging mabait ang taon na ito para sa akin. Lagi kong maaalala ang 2014 bilang ang panahon kung kailan naging pang araw araw kong bukabularyo ang salitang: Bad Vibes!

Nagsimula ang taon na may iniinda akong karamdaman. Halos buwan buwan naman pagkatapos ay naging suki na ako nang Friendly Care, Borough Medical Center, World Citi, at Makati Med! Perfect attendance din ako sa Clinic nang office. At naging hobby ko rin ang pagpapak nang Serc, at Catapres!

Ito rin ang taon kung kelan may mga damdaming nasaktan, taong iniwan, kaugnayang natapos, pangarap na nawasak, tiwalang nasira, pagkatao na hinamak, at pagsasakripisong binalewala!

Ang sakit sa ulo! Sobra!

Pero, ito rin naman yung taon kung kailan ko mas nakilala ang aking sarili! Mas naintindihan ko na ngayon ang mga dahilan kung bakit ko napagdesisyunan ang mga bagay na aking mga pinagdesisyunan! Mas nauunawaan ko na ngayon ang mga kasagutan sa mga katanungan kong: sino, ano, saan, kailan, paano, at bakit. Alam ko narin kung anong mga laban ang dapat kong patulan.

Kung tutuusin, miski papaano ay may mabuti rin namang kinalabasan ang 2014! Hindi narin masama!

Sana na lang talaga, kasabay nang putukan at ingay mamaya ay tangayin din ang lahat nang Bad Vibes ng 2014! Para pagdating nang Bagong Taon, Good Vibes na!

Page 198

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s