CHAPTER THE SEVENTH

Lolo Bliss

In Mga kuwento nang aking pusong nag sisenti on Enero 2, 2015 at 10:53 umaga

image

Day 2

Kahapon pa sana namin balak nang sister kong si Diana na pumunta sa Monasterio de Sta Clara sa may Katipunan. Pero hindi natuloy kasi maulan nga. When the sun finally showed up kanina, hindi na ako nagpa tumpiktumpik pa. Dali dali akong nag ayos at lumakad!

Literal na naglakad ako! Nilakad ko lang mula sa bahay papunta duon. Tinawid ko yung sa likod ng Quirino Memorial Medical Center then binaybay ko ang Katipunan Avenue. Tinatahak ko na yung tulay nang Bliss overlooking Marikina when I caught sight of this heart warming scene. I knew right away that I have my photo of the day!

Saglit ko munang pinagmasdan ang mag lolo na ito bago ko nakuhang ilabas ang aking camera at simulang kuhaan sila ng larawan. Papasikat pa lang ang araw nang mga oras na ito. Malamig pa ang simoy ng hangin. Inilalakad nang lolo ang kanyang apo. Pinapainitan! Mainam daw kasi sa katawan ng bata ang init nang araw sa umaga! Ang suwerte nung bata at may lolo pa siya!

Bigla akong napagisip after taking this photo. Pinilit kong alalahanin kung nagkaroon din ba ako nang mga ganitong moments with my own lolo. Wala akong maalala. Pero teka, baka naman kaya wala akong ma recall kasi nga bata pa ako. Why not? A very convenient excuse!

Anyway, after ko makunan ang larawan nang mag lolo ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Blanko ang isip ko. Gusto ko lang na makarating agad sa Sta Clara. May gusto kasi akong ilapit kay Saint Claire. May gusto kasi akong hilingin sa kanya.

After almost 15 minutes of walk ay narating ko din ang Monastery. Humarap ako sa rebulto in Saint Claire at nagpakilala. Tapos, tahimik kong inusal ang dahilan nang aking pagpunta duon.

Page 200

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s