CHAPTER THE SEVENTH

Wait lang

In Mga hinaing nang aking pusong nawiwindang on Enero 3, 2015 at 12:24 hapon

image

Day 3

Nagpunta ako nang opisina kanina. Kinausap ko ang Boss ko. Inilahad ko sa kanya ang isang suliranin. May inimungkahi siyang isang mainam na solusyon, ngunit ang huling hatol ay hindi manggagaling sa kanya. Kailangan naming maghintay. Wait lang!

Nagkaumpukan kami nila Kaibigang Gen Campos at Boss Jayson Ormita. Mula sa usapang pagmamahalan, sampalan, kulungan, ahasan, at kapatawaran ay nauwi ang aming huntahan sa usapang pasyalan. Nagpaplano kaming mag out of town! Bilang tadtad na ako ng pagliban at wala parin naman akong leave credits, baka sa susunod na panahon na yan. Huwag muna ngayon. Wait lang!

Nakakuwentuhan ko rin ang kaibigan kong si Patrick Ryan Mercado. Naibahagi niya sa akin ang kinahinatnan nang kanyang kuwentong pagibig na nagsimula kamakailan lang. Naka sentro ang kanyang kuwento sa dahilan kung bakit nagtapos ang kaugnayan at kung anong aral ang kanyang  natutunan mula sa kabanatang iyon. Damang dama ko ang pagnanais niyang makahanap na nang tunay at pangmatagalang pagibig. Nakaligtaan kong sabihin sa kanyang darating din iyon. Sa tamang panahon. Wait lang!

Imbes na umuwi agad ay nanatili muna ako sa Pantry. Gusto kong mag Internet. Ngunit lahat nang hub ay okupado. Maraming naghihintay na may mabakanteng upuan. Maaga pa naman. Handa ako magkaroon nang puwesto. Wait lang!

Page 201

  1. wait lang sa comment ko.😀

  2. Dee! Thanks for the mention. ☺😊😉 i love reading your blog. Keep it up

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s