CHAPTER THE SEVENTH

Nympha

In Mga patutchada nang aking pusong naiimbiyerna on Enero 5, 2015 at 1:34 hapon

image

Day 5

Second quarter of last year nang lumipat ako nang Salon na pinagpapagupitan. Mula sa Hairliners sa Metrolane Cubao ay nag transfer ako sa Artista Salon.

Halos bagong bukas pa lang nuon ang Artista Salon dito sa Project 4 na malapit lang sa bahay. Madalas ko ring nakakasabay bumili nang barbeque yung unang Hairdresser dito na si Thonski. Dahil good vibes naman ang dating sa akin nang Salon, I tried Thonski’s service at nagustuhan ko naman.

Matagal din akong naging loyal customer ni Thonski. Once a month akong nagpapagupit at nagpapakulay ng buhok sa kanya. Eventually, naging regular tambay na rin ako sa Salon at naging friends ko na rin yung ibang Manicurista pati na rin yung Salon Owner na si Tess.

Unfortunately, nagkasakit si Thonski at kailangan niyang umalis sa Salon. Duon ko naman nakilala si Nympha. Siya na ang naging Hairdresser ko after na mawala ni Thonski. Masaya din naman ako sa service ni Nympha! Wala pa naman akong bad experience sa kanya pagdating sa gupit. Minsan nga lang, nasusugatan niya ako kapag nag aahit siya. But that is okay.

Today, I had my haircut again. Ako yung second customer for the day ni Nympha. Ganadong ganado pa siyang mag gupit. Panay pa din ang kuwento niya. Naibida niya yung pagkaka semplang niya sa motor nuong disperas ng Bagong Taon. Naikuwento din niya yung tungkol sa kapatid niyang matapobre. Sampu daw silang magkakapatid. Pang pito daw siya. May ate daw siyang nakakaluwag sa buhay pero pangit ang ugali. Basura lang daw ang tingin sa kanila.

Page 203

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s