CHAPTER THE SEVENTH

Ali Mall

In Mga salaysay nang aking pusong nag babalik tanaw on Enero 11, 2015 at 3:22 hapon

image

Day 11

Napag iwanan na talaga nang panahon ang Ali Mall! Lumang luma na! Napaglipasan na kumbaga! Ayon sa Wikipedia, nagbukas pala ang naturang mall nuong taong 1976 pa! So bale, 39 years old na pala siya! No wonder!

Anyway, may mga parts na ang Ali Mall ang nag li-leak na kapag umuulan. Lalo na duon sa may Mercury Drugs banda! Grabe ang tulo duon! Parang waterfalls lang ang dating! May mga parts din na madilim na! Paano ba naman, wala na rin kasing mga tenants yung ibang stores nila! Ang escalator, sobrang liit! Good for one person lang talaga! Ang comfort rooms, madumi! Bakbak na ang mga tiles at wala pang lock ang mga pintuan! Para na talagang kawawa ang Ali Mall! Then last year lang, may isang bahagi ang nasunog pa!

Pero in all fairness, may effort naman na i-renovate at buhayin ulit ang Ali Mall! Pinaganda yung labas, inilagay sa pinakataas na floor at inayos ang Food Court, naglagay nang mga Government Agencies, at idinugtong ang isang bahagi sa katabing SM Cubao! Naging matao nga naman siya ulit! Transit point nga naman! Daanan lang nang tao.

Hay! I still prefer the old Ali Mall though! Yung Ali Mall nuong 1990’s! Yung panahong may Bilyaran pa sa third floor! Yung panahon na nasa ground floor pa ang Food Court. Yung panahon na may Sinehan pa sa second floor at hindi pa single screening ang mga pelikula. Yung panahon na talagang matao at masaya pa ang Ali Mall! Marami pang tambay sa riles! Marami pang stores! Marami pang mapaglilibangan! Masaya pa nuon! Maraming happy memories!

Oh well, I guess lumipas na talaga ang panahon! Hindi na maibabalik pa ang dating sigla nang Ali Mall! Sa ala ala na lang talaga puwedeng balik balikan ang Glory Days nang pinakamamahal kong pasyalan. Hay. Ang lungkot. Anyway, naikuwento ko lang naman ang Ali Mall sapagkat dumaan ako dun kanina! Aking sinimulan ang unang hakbang patungo sa pagsasakatuparan nang pagbabalik sa kung ano ang dati.

Page 209

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s