CHAPTER THE SEVENTH

Inhinyero

In Mga pagpuri nang aking pusong humahanga on Enero 14, 2015 at 11:43 umaga

image

Day 14

Hindi ko kinalimutang bumalik sa kung saan nag simula ang lahat upang magpasalamat muli sa isa nanamang biyaya at pagkakataon na ibinigay sa akin.

Matapos ang aking panalangin ay nag desisyon akong magtungo sa munting parke sa may Industrial Valley Subdivision. Nais kong makahanap nang magandang paksa para sa aking Project 365.

Marami rin naman akong nakunang larawan. Mga nag kakarerahang jeepney, sign board na tadtad nang bandalismo, nakaparadang bisikleta, at poste nang Meralco. Solve na ako! Puwede nang umuwi!

Napagdesisyunan kong lakarin na lamang mula Major Dizon hanggang makarating sa bahay. Makulimlim naman ang panahon. Hindi gaano mainit. Exercise na rin kung tutuusin. At umaasa din talaga akong may makikita pa akong mas magandang paksa sa aking proyekto! Hindi nauwi sa wala ang aking paglalakad!

Pababa na ako nang overpass sa may Escopa nang mapansin ko ang batang ito. Abala siya sa paglalaro nang tila mga putol putol na kable nang kuryente. Nang maka kuha ako nang pagkakataon ay kinunan ko na siya nang larawan. Tumalikod at umalis na ako pagkatapos nang ikatlong shot! Mukhang naabala ko ang ating Inhinyero!

Page 212

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s