CHAPTER THE SEVENTH

Pasado alas dose

In Mga kabanata nang aking pusong natuto on Enero 17, 2015 at 8:30 umaga

image

Day 17

Mahigit isang oras na ring nakaka alis yung bisita ko kanina. Ilang minuto rin akong naghintay sa pagdating niya. Medyo natagalan daw siya kasi galing pa siyang Anonas. Nasuya ako sa kakahintay. Bawat segundong lumipas ay para akong sinisilaban.

Buong araw kahapon ay nandito lang ako sa bahay. Mag isa! Nanuod lang ng TV at nagbabad sa internet buong umaga. Lumabas ako saglit nuong tanghali. May dumating na bisita bandang alas kuwatro at inabutan ko nang salapi. Umidlip ako nang bandang alas singko y medya. At nagising naman nang mag aalas siyete.

Lumabas din naman ako nang bahay. Pumunta ako sa SaveMore bago mag alas otso. Bumili ako nang Tocino ni Kris Aquino. May nadaanan akong barbekyuhan. Mukhang masarap yung isaw nila. Gusto ko sana bumili pero baka matagalan ang pag iihaw. Kaya umuwi na lang din ako kaagad.

Buong araw kong inabangan ang second round of pre thoughts ni Tom! Nasa Top Five parin niya for Miss Universe si MJ Lastimosa. Nice! Buong araw ding laman nang balita ang pag bisita ni Pope Francis dito sa Pinas. Nakipagkita kay Benigno Simeon, nag motorcade, dumalaw sa mga batang kapuspalad, at nag misa! Biglang nag trending din yung “Do you love me?” nang Santo Papa. Biglang sikat din yung kumanta ng Responsorial Psalm! Si Sem. Kenneth Rey Parsad. Ayan na! I’m sure! Walang habas!

Pasado alas dose na. Matutulog na ako maya maya.

Page 215

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s