CHAPTER THE SEVENTH

Reunited

In Mga awit nang aking pusong lubos na masaya on Enero 18, 2015 at 10:45 hapon

image

Day 18

Hindi naging hadlang ang malaking misa sa Luneta ni Pope Francis, ang bagyong Amang na nagpaulan the whole day, ang kawalan ko nang kaalaman sa direksyon nang papunta sa Cavite City, ang isang matinding lower back pain, ang network interruprion nang Smart and Globe, at isang pagkakamali na nagawa ko kamakailan sa aking desisyon na pumunta sa aming High School Reunion! So, after 25 long years I have finally been reunited with my classmates! From right to left: Nowell Samonte, Nerissa Alcala, Floricar Robledo, Jean Reyes, Michelle Ignao, and Anthony Arcallana! Not in the photo is Reynalyn Cuevas, na nasa ibayong dagat, and me – taking the photo!

So, tama lang talaga na pumunta ako sa Reunion namin. Hindi na kasi ako nakapunta nuong unang pagtitipon nila 4 years ago. I don’t want to be branded forever as the Indianero naman. And besides, wala naman din akong maganda at valid na reason to miss out this event!

I left the house at exactly 9:00 AM. 12:30 PM pa naman ang usapang tagpuan sa Jollibee sa Noveleta pero I thought I’d leave early para enough yung time ko sa biyahe and just in case na mawala ako. This being my first trip back to Cavite after two and a half decades!

Anyway, I took a jeep going Cubao, LRT going to Taft, another jeepney ride going to MOA, then UV Express Van going to Noveleta. Via Cavitex ang biyahe kaya super bilis. Mas natagalan pa nga yung paghihintay na mapuno yung van sa terminal sa MOA.

I was in Noveleta na by 11:00 AM. I knew I was early kaya umikot ikot muna ako to take photos of the place! Marami na ring nabago! Very nice! Nang may makita akong 7 11, na isip kong magpaload. Pero sabi nuong crew baka mahirapan daw sa pag send and pag receive bilang interrupted nga ang signal nang mga Network. Ending, hindi na ako magpaload. Nagtiwala na lang ako sa tadhana.

While waiting in Jollibee, kumain muna ako nang Spaghetti and Lumpiang Shanghai. Around 10 minutes after ko maubos yung food ko, Anthony arrived. Followed by Nerissa not long after. I felt wonderful seeing the two for the first time after many years. So, naganap ang unang round nang kamustahan. Then followed the hintayan naman. We waited for Jean, Mitch, and Flor. Nang mainip na kami, we decided na daanan na lang sila sa house nila. May dala namang sasakyan si Anthony. Unfortunately, mukhang nagkasalisihan. So Anthony, Nerissa, and I went ahead.

Madali naman naming natunton yung house ni Nowell. Thanks to Nerissa’s still sharp memory. The second round of kamustahan took place when we got to Nowell’s house. Then the third round was when Jean, Mitch, and Flor arrived. Pagkatapos nang unang sigwada nang picture taking ay kumain na kami. Then afterwards, nag reminisce na nang mga happy moments nung highschool. Siyempre hindi puwedeng hindi pagkuwentuhan yung mga kalokohan sa Canteen!

Marami pang napagkuwentuhan at nai-share kanina. I felt good to have spoken to Nowell. I realized that normal lang pala talaga to feel bad about some unpleasant situations in life. That it’s very human to break down and how the little things in life, like sunshine, actually matters. I also was glad na nakabonding ko rin si Mitch. Masaya din pala siya kausap. We never had the chance to be close nung highschool pa kami eh. I was impressed din at how Anthony maintained being taciturn. And I was amazed din at how motherhood made Nerrisa, Flor, and Jean a wiser and stronger person.

How I wish the day was longer. Unfortunately, may pasok na yung iba kinabukasan kaya pack up na kami by 7:30 PM. Sad. Uwian na. Pero not bad narin. Enjoy naman. My take away on this experience is that once in a while we should take the time to look back to who we were once so that we would know who we still want to be in the future.

Page 216

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s