CHAPTER THE SEVENTH

Taxi Bay

In Mga kabanata nang aking pusong natuto on Enero 19, 2015 at 3:42 hapon

image

Day 19

Wala nang baygo. Tumila na ang ulan. Tumigil na rin sa pag ihip ang malamig na hangin. Maaraw na sa labas. Umuwi na nang Vatican si Pope Francis bandang alas diyes kaninang umaga. It’s a day after our High School Reunion. Monday pero holiday parin. Until now ay wala pa rin yung hinihintay ko.

Nagyaya yung sister ko na pumunta nang Ali Mall. Gusto daw niya bumili nang wallet. Laspag at talaga namang gutay gutay na yung ginagamit niya. Panahon na para palitan.

On the way to Cubao, while on board the FX, naikuwento ko sa sister ko yung pinagdaanang problema ni Nowell. Naikumpara ko yung sitwasyon sa isa ko pang kakilala na imbes na tanggapin ang isang nasaklap na katotohanan ay ikinatatwa pa ang tunay na kundisyon ng anak. Iba iba talaga ang paraan nang pagtanggap sa hamon nang buhay ang bawat tao.

Sa Girbaud finally baka bili nang matinong wallet ang aking kapatid. 50% off kaya panalo! Nag ikot ikot muna kami after niyang makabili.

Mapagbiro ang pagkakataon. Habang nililibot namin ang Mall ay maka ilang beses kong nakasalubong ang isang tao sa nakaraan na piniling hindi ako kilalanin. Marahil ay nakakapit parin sa kanya ang paniniwala na ako ay isang banta. Bawal tignan. Bawal sambitin ang pangalan! Nakaramdam ako nang matinding awa para sa kanya.

After the brush with negativity, I was desperate to find something that would make me happy naman. So an order of Blueberry Danish and Peach Danish from French Baker, and an order of Braised Pork Ramen, Red Tea, and Gioza from Tokyo Tokyo served as the source of my Good Vibes for the day! Happy na ako!

Sumaglit muna kami sa SM pagkatapos nang lunch. May kailangan lang i-print yung sister ko. Then naghanap siya ng Batman action figures! Wala naman siyang nakita. Pre order lang daw kasi. No pressure kasi sa February pa naman daw kailangan.

Taxi na pauwi. Diretso na kami sa Taxi Bay sa tapat ng SM. Ayoko pa sana sumakay dun sa Taxi na matatapat sa amin. Mukhang luma na kasi yung sasakyan. Naisip ko na baka mahina yung AC. But my sister insisted na go na! Napilitan akong sumakay. It turned out that I was wrong. Malakas ang Aircon. Bonus pa na magiliw, palabiro at masayahin si Manong Driver. Nagkamali ako sa aking panghuhusga! The Moral of the story is: Don’t judge the taxi by it’s cover! Ayan na!

Page 217

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s